K Brosas, emosyonal na ibinahagi ang dinanas na anxiety attacks dahil sa panloloko sa kanya
- Emosyonal si K brosas habang inihahayag niya ang kanyang saloobin sa isang panayam ng news reporter na si Mario Dumaual
- Naibahagi niyang sobra siyang nasaktan dahil napalapit na rin siya sa mga taong kanyang pinagkatiwalaan para sa kanyang bahay
- Ito na lamang sana umano ang maipapamana niya sa kanyang anak ngunit umabot sa demandahan
- Matapos umano niyang umiyak at makiusap, wala pa ring nangyayari kaya minabuti niyang maghain na ng demanda
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi napigilang maiyak ni K Brosas sa isang panayam ni Mario Dumaual sa kanya kung saan ikinuwento niya ang tungkol sa pagsasampa niya ng kaso laban sa contractor ng ipinagagawa niyang bahay. Umabot na na sa P7 million ang naibigay niya pero hindi pa rin ito tapos at tuluyan nang iniwan na nakatiwangwang.
Ani Kaye, inatake siya ng anxiety dahil sa nangyari lalo at umabot na sa 7 milyon ang perang kanyang nilabas na mula sa kanyang pagtatrabaho.
Ito na lamang sana ang maipapamana niya sa kanyang anak. Masakit umano para sa kanya dahil matagal siyang nakiusap kaya umabot sa demandahan. Sa kanyang pakiramdam ay parang wala nang respeto kaya nagpasya na siyang magsampa ng kaso.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang nito lamang Sabado ay nag-post si K kaugnay sa kanyang naging aksiyon sa taong kanyang pinagkatiwalaan na iniwan ang kanyang pinapagawang bahay.
Nakilala si K sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.
Naging kabilang si K sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.
Kamakailan ay ibinahagi ni K ang kanyang naging karanasan nang tamaan siya ng COVID-19. Aniya ay dumating siya sa puntong nag-huling habilin na siya.
Naiulat din ng KAMI ang tungkol sa kanyang pasasalamat sa mga proyektong ibinigay sa kanya ng TV-5 matapos siyang lumipat. Sinagot niya rin ang mga patutsada sa kanya ng mga bashers.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh