Angel Locsin, na-doble ang engagement ring sa pag-aakalang nawala ang orihinal

Angel Locsin, na-doble ang engagement ring sa pag-aakalang nawala ang orihinal

- Ibinahagi nina Angel Locsin at mister na niya na si Neil Arce ang mga masasayang kaganapan bago hanggang sa mismong araw ng kasal

- Taong 2019 nang mag-propose si Neil kay Angel nago ito magtungong Italy para sa isang show

- Naikwento nila na nawala ni Angel ang engagement ring nila ni Neil kaya pinalitan ito ng halos kapareho ng orihinal

- Biro ni Neil, si Dimples Romana raw ang sinisisi niya sa pagkawala dahil maluwag ang sukat na naibigay nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang nagkwento sina Neil Arce at Angel Locsin ng mga masasaya at makukulit na kaganapan sa kanilang civil wedding.

Nalaman ng KAMI na mula sa engagement hanggang sa mismong kasal ay ibinahagi ng dalawa ang mga hindi nila malilimutang pangyayari.

Isa na rito ang insidente kung saan inakala ni Angel na naiwala niya ang engagement ring nila ni Neil Arce.

Read also

Angel Locsin, makailang beses tinanong si Neil kung totoo ang wedding proposal nito

Angel Locsin, na-doble ang engagement ring sa pag-aakalang nawala ang orihinal
Angel Locsin hawak ang original na engagement ring (Photo credit: The Angel and Neil Channel)
Source: Facebook

"Nung pumunta kaming Italy para sa ASAP, habang kausap ko yung mga artista sa eroplano, napansin ko nawawala yung singsing ko," kwento ni Angel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Napansin ko may mga nagpa-panic na, tapos sabi niya nawawala 'yung singsing ko," kwento naman ni Neil.

"Tapos narinig ni Toni, huh! nawawala 'yung singsing," makulit na ipinakita pa ni Neil ang reaksyon ni Toni Gonzaga.

"Nung nawawala yung singsing ko, kumuha kami ng panibago na almost identical," ayon kay Angel kaya na-doble umano ang kanyang engagement ring.

Biro ni Neil, si Dimples Romana, ang matalik ni Angel Locsin ang may kasalanan kung bakit nawala ang singsing ni Angel dahil maluwag daw umano ang sukat na naibigay nito kay Neil.

Ayon pa kay Neil ang insidenteng iyon ang nagpatunay ng maturity ng kanilang relasyon ni Angel.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal sa araw na napanalunan ni Hidilyn Diaz ang gold medal

"Ang takeaway ko 'dun, it showed how emotionally strong we are as a couple."

"Kung mas bata-bata kami or kung 'di kami emotionally strong, baka we'd take it as a sign," paliwanag ni Neil.

Narito ang kabuuan ng video mula sa kanilang YouTube na The Angel and Neil Channel:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang Agosto 7 lamang nila isinapubliko na ikinasal na pala sila ni Neil Arce kung saan nanghiram pa ng singsing si Neil sa kanyang anak dahil wala silang dalang wedding ring.

Una na ring naiulat ng KAMI na naibahagi rin nina Angel at Neil ang marriage proposal kung saan hindi agad nakapaniwala ang aktres na makailang beses tinanong si Neil kung totoo na ba ang alok nilang pagpapakasal.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel