Neil Arce, nanghiram muna ng singsing sa anak sa mismong seremonya ng civil wedding

Neil Arce, nanghiram muna ng singsing sa anak sa mismong seremonya ng civil wedding

- Sa kanilang YouTube channel, ikinuwento nina Angel Locsin at Neil Arce ang mga pangyayari sa kanilang civil wedding

- Mula sa marriage proposal hanggang sa mismong araw ng kasalan, ibinahagi nina Neil at Angel ang mga kaganapan

- Inakala nilang maari lang tumawag sa mayor para magpaalam na sila ay ikasal at saka lamang nila nalamang may mga papeles munang dapat na lakarin

- Wala rin silang naihandang mga wedding rings sa pag-aakalang sa church wedding lamang ito kailangan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi nina Angel Locsin at Neil Arce ang mga makukulit na pangyayari sa kanilang civil wedding na gumulat sa publiko.

Matatandaang, Agosto 7 nila ito ipinaalam ngunit Huyo 26 pa pala naganap ang kanilang pag-iisang dibdib.

Taong 2019 pa nang mag-propose si Neil kay Angel at agad silang nagplano para sa isang church wedding.

Read also

Angel Locsin, makailang beses tinanong si Neil kung totoo ang wedding proposal nito

Neil Arce, nanghiram muna ng singsing sa anak sa mismong seremonya ng civil wedding
Sina Angel Locsin at Neil Arce (Photo credit: @therealangellocsin)
Source: Instagram

Naroong palipad na sana sila patungong Finland para sa kanilang pre-nuptial photoshoot subalit nagsimula na ang pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, civil wedding muna ang isinakatuparan ng dalawa. Inakala pa ni Neil na maari na silang ikasal agad at magpapaalam lamang sa alkalde ng kanilang lugar.

"Pwede niyo po ba kaming ikasal bukas? Hindi pala ganun 'yun. So marami pa palang aayusin na papaerworks," kwento ni Neil.

At sa mismong araw pa ng kanilang pag-iisang dibdib, wala rin silang wedding ring. Inakala nilang sa church wedding lamang ito kailangan.

"Yung rings niyo? Kailangan ba namin ng rings? 'Di pwedeng walang rings," kwento ni Neil.

"Siya, ginamit namin yung engagement ring niya, ako, buti nalang 'yung anak ko medyo rocker nakasingsing... sabi ko 'let me borrow your ring' sabi niya 'you can use this first'," makulit na ibinahagi ni Neil.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal sa araw na napanalunan ni Hidilyn Diaz ang gold medal

Narito ang kabuuan ng detalye ng kanilang kasalan mula mismo sa kanilang YouTube na The Angel and Neil Channel:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang Agosto 7 lamang nila isinapubliko na ikinasal na pala sila ni Neil Arce. Una na ring naiulat ng KAMI na maibahagi rin nina Angel at Neil ang marriage proposal kung saan hindi agad nakapaniwala ang aktres na makailang beses tinanong si Neil kung totoo na ba ang alok nilang pagpapakasal.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel