Angel Locsin, makailang beses tinanong si Neil kung totoo ang wedding proposal nito

Angel Locsin, makailang beses tinanong si Neil kung totoo ang wedding proposal nito

- Ibinahagi nina Angel Locsin at Neil Arce ang ilang mga kaganapan sa mismong araw ng kanilang civil wedding

- Taong 2019 pa nang mag-propose si Neil kay Angel Locsin kung saan humingi muna ito ng permiso sa ama ng aktres

- Hindi makapaniwala si Angel sa proposal kaya makailang bese muna niyang tinanong ti Neil kung 'totoo' ba ito

- Orihinal na plano nila ang church wedding ngunit hindi ito natuloy dahil umano sa pandemya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang ibinahagi nina Angel Locsin at Neil Arce ang mga kaganapan sa kanilang civil wedding na gumulat sa publiko.

Nalaman ng KAMI na marami umanong nag-request kina Angel at Neil na magbahagi ng video ng kanilang pag-iisang dibdib na tinupad naman nila at nagkuwento na rin ng mga kaganapan bago hanggang sa mismong araw ng kasalan.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, ikinasal sa araw na napanalunan ni Hidilyn Diaz ang gold medal

Neil Arce, ibinahagi ang video ng wedding proposal kung saan 'di pa makapaniwala si Angel Locsin
Si Neil Arce,kasama ang kanyang misis na si Angel Locsin (Photo credit:@therealangellocsin)
Source: Instagram

Ayon kay Neil, taong 2019 pa talaga siya nag-propose kay Angel. Nagpaalam muna siya sa ama nito na inakalang business proposal ang pag-uusapan.

"2019 a week beore father's day, right after kong bilhin yung ring, pumunta agad ako sa daddy niya sabi ko daddy magpo-propose ako,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Tapos sabi ni Ate Ella, daddy magpapakasal na sila. 'ay good good good' gumanon naman so sobrang nawala 'yung burden sa shoulders ko siyempre 'good' ang sinabi ng daddy niya," kwento ni Neil.

Sa video, makikita ang makulit na proposal na paulit-ulit pang tinanong ni Angel kung totoo ba ang proposal. Nakaluhod na noon si Neil at nakatapat na kay Angel ang singsing.

"Totoo talaga 'tong anong 'to," paniniguro ni Angel.

"Oo nga, nakaluhod na... Will you marry me?" tanong naman ni Neil.

Read also

Luis Manzano, inamin kay Jessy Mendiola na nag-cheat siya sa ex noong college

Tumango lamang si Angel at "Oh my God"! na lang halos ang nasabi at "'Di ko alam sana nag-ayos ako."

Narito ang kabuuan ng video na binahagi mismo nila sa YouTube nila na The Angel and Neil Channel:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang Agosto 7 lamang nila isinapubliko na ikinasal na pala sila ni Neil Arce. Marami ang natuwa para sa dalawa lalong-lalo na ang matalik na kaibigan ni Angel na si Dimples Romana. Nag-viral pa ang mga larawan nitong labis na umiiyak sa saya sa seremonya ng kasal nina Angel at Neil.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel