Luis Manzano, inamin kay Jessy Mendiola na nag-cheat siya sa ex noong college

Luis Manzano, inamin kay Jessy Mendiola na nag-cheat siya sa ex noong college

- Sa isang vlog ni Jessy Mendiola, ginawa nila ng kanyang aswang si Luis Manzano ang "Never have I ever challenge"

- Dito napaamin si Luis na nagawa niya na umanong mag-cheat noong mas bata pa siya

- Gayunnpaman, ayon sa kanyang kwento, marami siyang ka-date noon ngunit hindi pa naman niya naging karelasyon

- Para naman kay Jessy, diretsahan niyang sinabing hindi niya nagawa kailanman na mag-cheat sa kanyang naging partner

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ginawa ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola ang Never have I ever challenge sa YouTube video na ibinahagi ng aktres sa kanyang YouTube channel.

Luis Manzano, napa-amin kay Jessy Mendiola na naggawa niya na mag-cheat noon
Jessy Mendiola and Luis Manzano during their vacation in Paris, France. Photo from Jessy Mendiola (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Isa-isang sinagot ng mag-asawa ang mga katanungan para sa kanila. Kabilang nga sa naitanong sa kanila ay kung nagawa na nilang mag-cheat sa kanilang ka-partner.

"Never" ang naging sagot ni Jessy samantalang "I have" naman ang sagot ni Luis. Kwento niya, nangyari umano iyon noong medyo bata pa siya.

Read also

Derek Ramsay, mas detalyadong dinepensahan si Ellen Adarna sa issue ng 'unprofessionalism'

Iba-iba umano ang dine-date niya noon. Dito naman nilinaw ni Jessy na hindi naman maituturing na cheating sa partner iyon dahil hindi pa niya karelasyon ang kanyang mga naka-date.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng mga netizens sa vlog na ito ni Jessy:

You're really such an inspiration to everyone.keep making these kind of videos and thank you for sharing your vlog with us it encourages many
Sarap nyo talagang panuorin. nakakainspire kasi napa transparent nyo sa isa't isa. you're a married couple pero parang magtropa lang.
Dito sa vlog na to nakita ko ang seryosong luis hindi yung baliw baliwan na luis ng IGworld..keep going jessy your doing great!

Si Luis Manzano ay isa sa pinakakilalang TV host at Game show host sa bansa. Ilan sa mga game niya ay ang Minute to Win It, Your Voice Sounds Familiar at Family Feud. Bukod sa pag ho-host, nakilala din siya sa pag-arte sa pelikula at telebisyon. Anak siya ng batikang aktres na si Vilma Santos at ng dati nitong partner na si Edu Manzano.

Read also

Derek Ramsay kay John Estrada: "Hindi ko siya kaaway, 'di ko siya kaibigan"

Matatandaang ilang beses nang napapabalita na engaged na ang dalawa dahil sa singsing na suot ni Jessy sa ilang mga pagkakataon.

Nagkaroon din ng litratong lumabas kung saan makikitang nagsusukat siya ng wedding dress. Gayunpaman, nilinaw ni Jessy na kuha iyon sa isang pelikulang kanyang ginawa.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel