Derek Ramsay, mas detalyadong dinepensahan si Ellen Adarna sa issue ng 'unprofessionalism'

Derek Ramsay, mas detalyadong dinepensahan si Ellen Adarna sa issue ng 'unprofessionalism'

- Dinipensahan ni Derek Ramsay ang fiancée na si Ellen Adarna ukol sa kinasangkutan nitong 'walk-out issue' sa tapin ng TV show nito

- Nabansagang 'unprofessiona' si Ellen at sinabing may 'attitude' matapos na isinalaysay ng kasama niyang komedyante sa set na si Long Mejia ang umano'y nagawa ni Ellen

- Inamin ni Derek na naroon siya sa nasabing taping ngunit hindi naman umano 'naka-bubble' ang resort, dahilan para manatili siya roon

- Nilinaw din niya na sila ang nagbayad ng kwarto na kinuha nila ni Ellen maging ang mga exit swab test nila at hindi ang production

- Nabanggit din niya ang paghingi ng tawad sa kanila ni Long Mejia

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mas detalyado ang mga ibinigay na impormasyon ni Derek Ramsay bilang pagdepensa niya sa fiancée na si Ellen Adarna kaugnay ng ibinabato ritong isyu umano ng pagiging 'unprofessional.'

Read also

Marjorie Abastas, napansin ng netizens na 'blooming' nang magkaayos na sila ng customer

Nalaman ng KAMI na ito ay kaugnay sa tahasang isiniwalat ng kasama ni Ellen na komedyante sa set na si Long Mejia.

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Derek, una nang inamin ng aktor na naroon nga umano siya sa taping ng 'John and Ellen'.

Derek Ramsay, mas detalyadong dinepensahan si Ellen Adarna sa issue ng 'unprofessionalism'
Derek Ramsay kasama ang fiancée na si Ellen Adarna (Photo: @maria.elena.adarna)
Source: Instagram

Ipinaliwanag niyang hindi naman umano 'naka-bubble' ang produksyon o hindi ito eksklusibo lamang sa mga cast at crew kaya nakapag-check in pa siya roon.

Pinabulaanan din ng aktor ang sinasabing ang production ang nagbayad ng kwarto kanilang nakuha ni Ellen at iba nilang mga nakonsumo roon.

Sila ni Ellen ang nagbayad sa kwarto maging sa exit swab test na ipinagawa nila upang masiguro na walang COVID-19 silang maiuuwi lalo na sa anak ni Ellen na 20 araw na raw nitong hindi nakakasama.

Isa rin sa kinumpirma ni Derek na humingi na ng tawad sa kanila si Long Mejia na umano'y nagsiwalat ng kontrobersiya sa kanyang fiancée.

Read also

Food Supplier sa Cebu, idinetalye kay Raffy Tulfo ang pag-aayos nila ni Maria May Hofileña

Narito ang kabuuan ng interview mula sa Ogie Diaz Showbiz Updates:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Derek Arthur Paggao Ramsay Jr. ay isang actor, model at dati ring naging VJ. Napanood sioya sa mga teleserye na Ysabella', 'Habang May Buhay', at 'Magkaribal'. Hinangaan din ang kanyang pagiging aktor sa pelikulang 'No Other Woman, 'A Secret Affair', 'Kasal', 'One More Chance', at 'All of You'.

Kasalukuyan na siyang engaged sa kanyang nobya na si Ellen Adarna. Kamaikailan, nasangkot sa kontrobersiya si Ellen sa umano'y pagiging unprofessional niya sa taping nila ng 'John and Ellen'.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel