Derek Ramsay kay John Estrada: "Hindi ko siya kaaway, 'di ko siya kaibigan"

Derek Ramsay kay John Estrada: "Hindi ko siya kaaway, 'di ko siya kaibigan"

- Diretsahang sinabi ni Derek Ramsay ang estado ng pagkakaibigan nila ni John Estrada

- Ito ay matapos siyang tanungin ni Ogie Diaz kung totoo ba na nababalita umano ang pag-aaway ng dalawa

- Ayon pa kay Derek, naging apologetic naman si John sa kanya sa nasabing kontrobersiya

- Subalit, may ilang mga bagay na hindi na raw umano kaya pang tanggapin ni Derek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naglabas na ng saloobin si Derek Ramsey kaugnay sa maugong na balitang may alitan sila si John Estrada.

Nalaman ng KAMI na sinasabing may kaugnayan umano ito sa isyu ng 'unprofessionalism' ni Ellen Adarna sa set ng TV show nila ni John.

Nang tangungin ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel si Derek, sinabi nitong 'hindi niya kaaway at hindi rin niya kaibigan' si John.

Read also

Derek Ramsay, isiniwalat na 'positive control stick' ang nagamit sa swab test ni Ellen Adarna

Derek Ramsay kay John Estrada: "Hindi ko siya kaaway, 'di ko siya kaibigan"
Derek Ramsay kasama si Ellen Adarna (Photo: @maria.elena.adarna)
Source: Instagram

"I just don't want to associate myself with John," paliwanag ni Derek.

Sinabi rin niya na malaking bagay ang pagkakasangkot nito sa mga akusasyon kay Ellen na siyang nagtulak kay Derek upang mapagdesisyunan na wakasan ang maayos na samahan nila ni John.

Ayon pa kay Derek, alam niyang naramdaman umano ni John ang kanyang sama ng loob.

Nabanggit din niyang humingi naman ng tawad si John subalit may mga bagay umano siyang hindi matanggap sa mga sinabi nito.

"Pero there are certain things na 'di ko na pwedeng tanggapin. For me, you go on with your life, I'll go on with my life."

Sa kabila nito, nasabi pa rin nito na "I wish him well,' na patungkol kay John.

Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Updates:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Derek Ramsay, mas detalyadong dinepensahan si Ellen Adarna sa issue ng 'unprofessionalism'

Si Derek Arthur Paggao Ramsay Jr. ay isang actor, model at dati ring naging VJ. Napanood siya sa mga teleserye na 'Ysabella', 'Habang May Buhay', at 'Magkaribal'. Hinangaan din ang kanyang pagiging aktor sa pelikulang 'No Other Woman, 'A Secret Affair', 'Kasal', 'One More Chance', at 'All of You'.

Kasalukuyan na siyang engaged sa kanyang nobya na si Ellen Adarna. Kamaikailan, nasangkot sa kontrobersiya si Ellen sa umano'y pagiging unprofessional niya sa taping nila ng 'John and Ellen'.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel