Manny Pacquiao, tigil na sa boxing; naka-focus sa pagtakbo bilang Pangulo ng bansa
- Diretsahang sinagot ni Manny Pacquiao na matitigil ang kanyang boxing career sakaling maging Pangulo siya ng bansa
- Ito ay matapos niyang kumpirmahin ang pagtakbo bilang Pangulo ng bansa sa Eleksyon 2022
- Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, naibahagi ni Pacquiao ang ilan sa kanyang mga plano sakaling maluklok sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas
- Katunayan, mayroon siyang nagawang '22-round agenda' sa pagbabagong nais niyang mangyari sa Pilipinas
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Tapos na raw ang boxing career ni Senator Manny Pacquiao lalo na ngayong nagpahayag na siya ng pagtakbo sa pagka-Pangulo ng bansa sa Eleksyon 2022.
Nalaman ng KAMI na desidido na ang 'boxing senator' na itigil na ang pinakamamahal niyang sport, upang magbigay daan sa plano niyang maging pangulo ng Pilipinas.
Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, diretsahan niyang sinagot ang tanong nito kung ano ang kanyang gagawin sa boxing career sakaling maluklok sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng Pilipinas.
"Boxing career ko, tapos na 'yung boxing career ko."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Tapos na, kasi matagal na rin ako sa pagbo-boxing at 'yung pamilya ko laging nagsasabi na tama na," paliwanag ni "Pacman."
Ipinagpatuloy na lamang niya ito kamakailan dahil 'passionate' umano siya sa sport na ito kung saan siya nakilala sa buong mundo.
Subalit hindi pa rin tuluyang magsasara ang pinto niya sa larangan ng boxing dahil palano niyang sumuporta sa mga nangangarap na maging tulad niya.
"Magsu-support na lang ako ng mga boksingero para magkaroon tayo ng champion ulit."
Sa naturang panayam din ni Toni kay Manny, naibahagi nito ang kanyang '22-round agenda' para sa inaasam na pagbabago sa Pilipinas.
Inuna niya sa listahan ang pag-aalis ng mga tiwaling pinuno sa pamahalaaan at hinamon pa niya umano ang mga ito na magdasal na huwag siyang manalo dahil tototohanin niya ang kanyang sinabing ipakukulong niya ang mga ito.
Mapapanood ang kabuuan ng panayam sa Toni Gonzaga Studio:
Si Manny "Pacman" Pacquiao ay isang eight-division world boxing champion, at tinaguriang "one of the greatest boxers in history". Pinasok din niya ang pulitika kung saan una siya naging congressman at ngayon, isa siya sa mga senador ng bansa. May 10, 2000 nang ikasal siya kay Jinkee at nabiyayaan sila ng limang anak na sina Emmanuel Jr. "Jimuel", Michael Stephen, Mary Divine Grace "Princess", Queen Elizabeth "Queenie" at Israel.
Kamakailan, nagpaunlak din ng panayam si Pacquiao sa programa ni Raffy Tulfo kung saan pupuntahan umano nila ang isang lola na labis ang paghanga sa kanilang dalawa.
Doon, nabanggit ng lola na nais niyang maging presidente ng bansa si Manny at sinagot naman ito ng senador na sa 'Oktubre' pa niya umano ito mapapagdesisyunan. Subalit, hindi pa man natatapos ang Setyembre, kinumpirma na ni Pacquiao ang pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Source: KAMI.com.gh