Manny Pacquiao, tatakbo bilang presidente ng bansa; inilatag ang '22-round agenda'
- Inihayag na ni Senator Manny Pacquiao ang kanyang pagtakbo sa 2022 elections bilang Pangulo ng Pilipinas
-Kasabay nito ang paglalatag niya ng kanyang 22-round agenda para sa bansa
- Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nilahad ni Pacquiao ang ilan sa mga plano niya para sa Pilipinas
- Pinakauna raw niya umanong pupuksain ay ang korapsyon na siyang ugat umano ng mga hindi magandang nangyayari sa atin
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Kinumpirma ni Boxing Senator Manny Pacquiao ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa 2022 elections.
Nalaman ng KAMI na nagpaunlak ito ng panayam kay Toni Gonzaga kung saan naihayag niya ang ilan sa kanyang mga plataporma sa ikauunlad umano at pagbabago ng Pilipinas.
Prayoridad daw ni Manny ang pagpuksa at pagpapakulong sa mga tiwali sa gobyerno, palakasin ang ekonomiya at mabigyan ng trabaho at maayos na pagkakakitaan ang mga kababayan. Gayundin ang pabahay na noon pa ma'y nasimulan na niya sa kanilang bayan sa GenSan.
Nabanggit din niya ang tinawag niyang '22-round priority agenda for the country' na kanyang naisulat noong siya ay nasa Amerika.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"First round, fight against corruption. papakulong natin lahat ng kawatan sa gopbyerno."
"Second round, 'yung ano siya economic growth and development. Round per round may explanation pa 'yan. Third round, employment."
"Alam mo, fourth round? Free housing" pahayag ni Pacquiao sa interview sa kanya ni Toni.
Kasama rin sa mga una niyang agenda ang healthcare services at ang maaring negosyo na siyang pagkukunan ng pangkabuhayan ng mga kababayang walang trabaho.
Lahat daw umano ito ay magagawa kung bibigyang pansin muna ang una sa listahan niya at ito ay ang pagpuksa ng korapsyon.
Narito ang kabuuan ng interview sa kanya ni Toni Gonzagga mula sa Toni Gonzaga Studio:
Si Manny "Pacman" Pacquiao ay isang eight-division world boxing champion, at tinaguriang "one of the greatest boxers in history". Pinasok din niya ang pulitika kung saan una siya naging congressman at ngayon, isa siya sa mga senador ng bansa. May 10, 2000 nang ikasal siya kay Jinkee at nabiyayaan sila ng limang anak na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.
Kamakailan, nagpaunlak din ng panayam si Pacquiao sa programa ni Raffy Tulfo kung saan pupuntahan umano nila ang isang lola na labis ang paghanga sa kanilang dalawa.
Doon, nabanggit ng lola na nais niyang maging presidente ng bansa si Manny at sinagot naman ito ng senador na sa 'Oktubre' pa niya umano ito mapapagdesisyunan. Subalit, hindi pa man natatapos ang Setyembre, kinumpirma na ni Pacquiao ang pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Source: KAMI.com.gh