JaMill sa kanilang pagbabalik YT: "Tao lang din naman kami na may emosyon"

JaMill sa kanilang pagbabalik YT: "Tao lang din naman kami na may emosyon"

- Nagbigay ng pahayag ang JaMill kaugnay sa kontrobersyal na paglisan at pagbabalik nila sa YouTube

- Kabi-kabila umano ang mga komento at opinyon ng tao kaugnay sa pagbubura nila ng kanilang YouTube channel noong Agosto

- Sinabi ng JaMill na nakarating sa kanila ang kuro-kuro ng ilan na nagtatago umano sila sa BIR

- Aminado rin sila na nasaktan sa mga naglabasang paghuhusga kaya hiling nila na maging masaya pa rin ang pagbabalik nila sa mundo ng YouTube

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpaunlak ng panayam ang tambalang JaMill na binubuo nina Camille Trinidad at Jayzam Manabat sa Kapuso Mo, Jessica Soho.

Bago pa man ito isa-ere, nagpost na ang Facebook page ng ilan sa mga naging pahayag ng dalawa tungkol sa kontrobersyal na pagbubura nila ng channel at sa muli nilang pagbabalik ilang linggo lamang ang nakalipas.

Read also

Libro tungkol sa buhay ni Mayor Isko Moreno, 'most popular' ngayon sa mga bookstores

JaMill sa kanilang pagbabalik YT: "In reality, tao lang din naman kami na may emosyon"
Sina Camille at Jayzam ng JaMIill (@jamillph)
Source: Instagram

Ayon sa JaMill, nauunahan umano sila ng publiko sa kung ano ang rason ng kanilang biglaang paglisan noon sa YouTube.

"Nung nag-delete kami ng YouTube channel, lagi kaming inuunahan ng iba sa pag-e-explain kaya po napapasama."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakarating din umano sa kanila ang sinasabi ng ilan na nagtatago umano sila sa BIR at planong mangibang bansa.

"Sinasabihan pa nga kami na nagtatago raw kami sa BIR. BInebenta raw namin lahat para makapangibang bansa. At doon daw po kami magtatago."

Aminado silang hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan ngayong pandemya.

Kaya ang mga komento ng tao sa kanilang mga pinagdadaanan ay labis din umanong nakakaapekto sa kanila.

"Akala kasi ng ibang tao, okay lang lahat. Ang JaMill, madali lang pagsabihan ng kung ano-ano."
"In reality, tao lang din naman kami na may emosyon"

Read also

Angel Locsin, sinagot ang suhestyon ni Ogie Diaz na tumakbo bilang senador

Sinabi ng dalawa na para malampasan ang pagsubok, talagang nagtulungan silang dalawa.

Alam din daw nila umano na hindi lahat ng naibahagi nila sa kanilang channel noon ay masasabing hindi maganda lalo na sa mga kamalian umanong nagawa ni Jayzam kay Camille na labis niyang pinagsisisihan.

Subalit ngayon, sa kanilang pagbabalik umaasa silang magiging maayos at mas magiging masaya muli tulad ng dati na marami ang tumangkilik at sumuporta sa kanila.

"Kaya ngayon, mas nagiging conscious na kami, mas magiging responsable."
"Pero we are proud to say naman po, naayos naman na po namin, masaya na po ‘yung pamilya po na meron po kami ngayon. Sobrang solid po namin, as in."
"Sana itong pag-start namin ng bago, mas maging okay at mas maging masaya."

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag:

Ang tambalang 'Jamill' ay binubuo ng magkasintahang Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Isa sila sa maituturing na matagumpay ng YouTube couple sa bansa na nagkaroon ng 12.3 million subscribers.

Read also

Mygz Molino at kanyang pamilya, dumalaw na sa puntod ni Mahal

Matatandaang humarap din sa matinding kontrobersiya ang kanilang tambalan dahil sa umano'y naging third party ng kanilang relasyon gayundin ang ilang reklamo sa kanila na nakarating pa sa programang Raffy Tulfo in Action.

Gayunpaman, nalampasan parin ng tambalan ang mga pagsubok na ito gayung nadagdagan pa sila ng daan-daang libong subscribers matapos ang kontrobersiya.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica