Mygz Molino at kanyang pamilya, dumalaw na sa puntod ni Mahal

Mygz Molino at kanyang pamilya, dumalaw na sa puntod ni Mahal

- Lumabas ang ilang litrato ni Mygz Molino kasama ang kanyang mga pamilya niya nang puntahan nila si Mahal sa puntod nito

- Makikita sa mga litrato na bakas pa rin ang kalungkutan sa kanila sa biglaang pagkawala ni Mahal na matagal ding tumira sa kanila

- Ito ang unang beses na pumunta sila Mygz at pamilya niya kay Mahal dahil hindi sila nakadalo sa libing nito

- Ito ay dahil bawal silang lumabas dahil sa pinapatupad na batas para sa mga taong nakasalamuha ng taong tinamaan ng COVID

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang mga nakasama ni Mahal Tesorero bago ito pumanaw dahil sa COVID, kinailangang mag-quarantine ng pamilya nina Mygz Molino kaya hindi na sila nakapunta sa libing ng kanyang ka-tandem.

Mygz Molino at kanyang pamilya, dumalaw na sa puntod ni Mahal
Mygz Molino and Mahal Tesorero (@mygz.molino)
Source: Instagram

Kamakailan nga ay may mga pictures sila Mygz kasama ang kanyang iba pang kaanak na pumunta sa puntod ni Mahal.

Read also

JaMill sa kanilang pagbabalik YT: "Tao lang din naman kami na may emosyon"

Mygz Molino at kanyang pamilya, dumalaw na sa puntod ni Mahal
Christian Molino Tenorio (@xtianmolinotenorio)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang marami ang nag-alala para kay Mygz dahil sa biglang pagkawala ng kanyang katandem na alagang-alaga niya kahit saan man sila mapunta.

Sa katunayan, marami ang humanga kay Mygz kung paano nito kinarga si Mahal nang pumunta sila kay Mura.

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Read also

Sharon Cuneta, inalmahan ang netizen sa komento nito sa kanyang pagsorpresa sa anak

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pagpapalagay na ang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate