Sharon Cuneta, inalmahan ang netizen sa komento nito sa kanyang pagsorpresa sa anak
- Masayang ibinahagi ni Sharon Cuneta ang kanyang pagpunta sa New York upang bisitahin ang anak niyang si Frankie Pangilinan
- Gayunpaman, hindi pinalampas ng Megastar ang komento ng ilang netizen kung saan tila pinaalala nilang may isa pa siyang anak na nasa America din
- Hindi naman na diretsahang sinagot ni Sharon ang mga komentong ito ngunit hindi napigilang mabigyan ng iba-ibang kahulugan ang kanyang naging pahayag
- Ito ay lalo na nang mabanggit niya ang tungkol sa mas mapapalapit umano siya sa taong mas nagmamahal at rumirespeto sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi lingid sa publiko ang ilang beses nang naging tampuhan ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Gayunpaman ay lagi din silang nagkakaayos at nagkakabati.
Sa kanyang Instagram post ay naibahagi ni Sharon ang pagkakaroon niya ng pagkakataong makapunta sa New York sakay ang isang private plane.
Aniya, bibisitahin niya ang kanyang anak na si Kakie o si Frankie Pangilinan.
Hindi pinalampas ng Megastar ang komento ng ilang netizen kung saan tila pinaalala nilang may isa pa siyang anak na nasa America din. Hindi naman na diretsahang sinagot ni Sharon ang mga komentong ito ngunit hindi napigilang mabigyan ng iba-ibang kahulugan ang kanyang naging pahayag.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nabanggit niya ang tungkol sa mas mapapalapit umano siya sa taong mas nagmamahal at rumirespeto sa kanya.
Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.
Kamakailan ay naging usap-usapan ang post ng Megastar kung saan kapansin-pansin ang kanyang pagbawas ng timbang.
Naibahagi niya din kamakailan ang kanilang simple na pagdiriwang sa kaarawan nmg anak niyang si Miel.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pagpapalagay na ang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh