Dating OFW na sinuwerte sa amo, pinamanahan pa siya ng milyon-milyong salapi
- Sinuwerte sa kanyang among Portuguese ang dating OFW na si Daisy Bucad-Eng
- Maagang nagkaroon ng anak si Daisy na una munang naglako ng asin bago naisipang mangibang bansa
- Unang sabak niya sa abroad, tila minalas siya sa amo na dalawa hanggang tatlong oras lang ang ibinibigay sa kanyang pahinga
- Subalit nang mapunta ito sa amo niyang si Marie, nagsimula na talagang mabago ang kanyang buhay lalo na sa hindi inaasahang pamana nito sa kanya
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ibinahagi ng dating OFW na si Daisy Bucad-Eng ang nakaka-inspire niyang kwento kung paanong ang kanyang katapatan at kabutihan ay nasuklian ng magandang kinabukasan para sa kanila ng kanyang pamilya.
Nalaman ng KAMI na dating naghihikahos sa buhay si Daisy na maagang nagkaroon ng pamilya.
Sa kanyang naibahagi sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho, dati pa raw na naglako ng asin si Daisy sa probinsya nila sa Besao sa Mountain Province.
Php200-300 lamang ang kanyang kinikita noon kahit pa in-demand sa lugar nila ang asin.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil dito, naisipan niyang mangibang bansa upang mas mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya.
Hindi agad siya pinalad sa una niyang amo na dalawa hanggang tatlong oras lamang ang binibigay sa kanyang oras ng pagpapahinga.
Subalit nang mapunta na siya sa kanyang amo na si Marie Augusta Ramchand na isang Portuguese na namamalagi sa Hong Kong, nagbago ang kanyang buhay.
Itinuring na siya nitong kadugo at kamag-anak. Hindi ito pumayag na mapunta sa home for the aged kaya sumama ito kay Daisy sa Pilipinas.
Inalagaan pa rin siya ni Marie at inaruga na parang tunay din niyang kapamilya. Hanggang sa yumao na ito noong 2002.
Laking gulat na lamang ni Daisy nang malaman na kasama pala siya sa Last will and testament ni Marie kung saan umabot sa Php25 million ang naipamana nito sa kanya.
“Sobrang mahal ko siya. Imagine siya ba naman ang nagbago ng kapalaran ko,” pahayag ni Daisy patungkol sa naging amo niyang si Marie.
Narito ang kabuuan ng video mula sa GMA News and Publis Affairs:
Isa ang programa ng sikat na broadcast journalist sa bansa na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo sa Kapuso network, ang GMA.
Isa sa mga naitampok sa naturang programa ay ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.
Tinutukan din ng marami ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na dinagsa naman ng tulong at natigil na sa pagtatrabaho buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.
Source: KAMI.com.gh