Video ng ina na nakatanggap ng Php 1 million bilang birthday gift ng anak, viral
- Viral ngayon ang video ng isang ina na nabigyan ng isang milyong piso bilang birthday gift ng anak
- Makikita ang isang kwarto na punong-puno ng salapi na sinasabing nagkakahalaga lahat ng Php1,000,000
- Ayon sa anak, bata pa lamang siya ay pangarap na niyang gawing milyonarya ang kanyang 'mama'
- Sa kabila kasi ng pinagdaanang hirap, sinikap ng kanilang ina na maitaguyod sila kaya bilang pasasalamat, sinikap din niyang bigyan ng malaking halaga ng pera ang ina
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Marami ang napa-sana all sa isang ina na nabigyan ng tumataginting na isang milyong piso ng kanyang anak.
Makikita sa video na pinapipili pa ang kanilang 'mama' kung Php100,000 o package bilang regalo sa kanyang kaarawan.
Mapapansing tila nagdadalawang isip pa ang ina gayung iniaabot na sa kanya ang isang daang libong piso.
Ngunit nang ipakita na sa kanya ang kwarto na punong-puno ng limpak-limpak na salapi, halos hindi ito makapaniwala dahil sa lahat ng sulok ng silid ay mayroong pera.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa post na ibinahagi ng Kapuso Mo, Jessica Soho, naikwento ng anak na si 'Lou' na bata pa lamang siya'y pangarap na niyang gawing milyonarya ang napakasipag nilang ina.
Aminado rin siyang mahirap ang buhay nila noon ngunit ito ang nag-udyok sa kanya para magsikap at suklian ang pagsusumikap din ng kanyang ina para maitaguyod silang magkakapatid.
"Kahit anong trabaho, pinasok ni Mama. Hindi siya natutulog nang maayos, para lang maahon kami sa kahirapan"
Kaya ngayong tinatamasa na nila ang ginhawa ng buhay, hindi siya nakalimot sa ina na labis niyang pinasaya sa kaarawan nito.
"Bata pa lang kasi ako, pangarap ko nang mabigyan ng isang milyon ang aking ina. Gusto ko maging instant millionaire siya bago siya mawala sa mundong ito."
Narito ang video na ibinahagi rin ng KMJS:
Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.
Isa sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.
Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.
Source: KAMI.com.gh