Madam Inutz, ipinakilala ang dati niyang asawa: "Kayo lang ang may issue ah!"

Madam Inutz, ipinakilala ang dati niyang asawa: "Kayo lang ang may issue ah!"

- Sa pinakabagong vlog ni Madam Inutz, ipinakilala niya sa publiko ang dati niyang asawa

- Maging ang bago nitong partner ay ipinakilala rin ni Madam Inutz at pinakitang maayos ang relasyon nila sa isa't isa

- Ang dating asawa ni Madam Inutz ang ama ng dalawang anak niyang lalaki

- Muli lamang silang nagkita para sa photoshoot bilang paghahanda sa 7th birthday ng bunsong anak ni Madam Inutz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makulit na ipinakilala ni Madam Inutz sa publiko ang dati niyang asawa. Sa pinakabago niyang vlog, nagkita muli sila ng kanyang ex na kasama ang bagong partner nito.

Nalaman ng KAMI na ito ay para sa photoshoot bilang paghahanda sa 7th birthday ng bunsong anak ni Madam Inutz kung saan ang photographer ay ang dati niyang mister.

Madam Inutz, ipinakilala ang dati niyang asawa: "Kayo lang ang may issue ah!"
Madam Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Dahil sobrang busy ng nag-viral na online seller, ang kanyang mga pamangkin at kapatid na ang pinag-asikaso niya ng pagkuha ng magiging photographer sa shoot.

Read also

Camille Trinidad, hindi napigilan ang emosyon nang matanong tungkol sa kasalanan sa kanya ni Jayzam Manabat

Hindi raw niya alam na ang kinuha ng mga ito ay ang ama ng dalawa niyang anak na lalake.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit, wala naman talagang itong problema kay Madam Inutz gayung maayos na naman ang ugnayan nila ng dating mister gayundin sa partner nito.

Nagbibiruan pa sila ng aniya'y "madrasta" ng kanyang mga anak at sinabi nitong 'stepmom' nalang ang kaysa 'madrasta.'

Patunay lamang daw ang kanilang kulitan ng maaring maging magkaibigan ang dating magkarelasyon nang anumang malisya o isyu maging sa bago nitong kinakasama.

Nakilala si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz dahil sa kanyang viral online selling na umabot sa 15,000 ang mga 'nakatambay' at wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga panindang ukay.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Read also

Video ng ina na nakatanggap ng Php 1 million bilang birthday gift ng anak, viral

Dahil dito, napansin siya ni Wilbert Tolentino na siyang manager niya ngayon. Una siya nitong pinuntahan kasama si Herlene "Hipon Girl" Budol kung saan nagpaabot agad sila ng tulong kay Madam Inutz at sa ina nitong na-stroke.

Kasalukuyan nang aktibo si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel na 'Daisy Lopez'. Nakapag-recording na rin siya para sa kanyang single na may pamagat na "Inutil"

Source: Kami.com.ph

Online view pixel