Camille Trinidad, hindi napigilan ang emosyon nang matanong tungkol sa kasalanan sa kanya ni Jayzam Manabat
- Hindi napigilan ni Camille Trinidad ang kanyang emosyon nang muling maitanong ni Jessica Soho ang tungkol sa nagawang pag-cheat ni Jayzam manabat
- Ayon kay Camille, hindi pa rin niya mapigilang maiyak kapag napapag-usapan ang tungkol sa nangyari
- Gayunpaman, umaasa silang malalampasan nilang magkasama ang kanilang pinagdadaanan
- Unti-unti na ring lumalaki ang bilang ng kanilang bagong YouTube channel matapos mabura ang una nilang channel
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi pa rin napigilan ni Camille Trinidad ang kanyang emosyon nang matanong ni Jessica Soho ang tungkol sa nagawang kasalanan ni Jayzam manabat sa kanya.
Aminado naman si Jayzam sa kanyang naging kasalanan. Humingi naman ng paumanhin si Camille dahil sa kanyang pagiging emosyonal.
Umaasa si Camille na magiging masaya sila sa susunod na panahong magkasama sila. Bumabawi naman umano si Jayzam sa kanya.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:
Sa bawat relasyon, may mga pagsubok talaga na darating na dapat natin makayanan at malagpasan upang ito ay ang maging inspirasyon at pundasyon para mapagtibay pa ang inyong pagmamahalan.
Ayusin nyu nlng magkaron kayo ng masayng pamilya sayang ung mga bagay n naumpisahan nyu n at saka tulong minsan content nyo pra matuwa lalo ung iba..
Okay lang yan Camille. Unti-unti matatanggal din ang sakit habang nakikita mong nagbabago si Jayzam. Sana huwag niyang sayangin ang binigay na pagkakataon sa kanya.
Ang tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.
Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.
Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.
Nais paalalahanan ng KAMI ang aming tagasubaybay na kaakibat ng ating kalayaan sa pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung ang pahayag ay makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay iwasan ang paggamit ng mga mapanirang pahayag. Palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, at wala ding mali sa pagpapahayag ng saloobin ukol sa isang paksa.
Source: KAMI.com.gh