JaMill, aminadong hindi naging magandang ehemplo ang kanilang naging content

JaMill, aminadong hindi naging magandang ehemplo ang kanilang naging content

- Isa sa mga naibabatong isyu sa tambalang JaMill ay hindi magandang ehemplo sa kabataan ang pinapakita nila sa kanilang content

- Kaya naman, diretsahang itinanong ito ni Jessica Soho sa kanila at inamin naman nilang marami sa kanilang content ay hindi magandang ehemplo sa mga kabataan

- Sa kanilang bagong channel, sisikapin umano nilang ayusin at baguhin ang kanilang mga content

- Matatandaang umabot na sa mahigit 10 milyon ang subscribers ng JaMill bago pa ito tuluyang nabura kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminado sina Camille Trinidad at Jayzam Manabat na hindi magandang ehemplo sa kabataan ang kanilang ipinapakita sa kanilang content sa kanilang YouTube channel. Sa kanilang bagong simula ay nangako silang aayusin nila ang kanilang content.

JaMill, aminadong hindi naging magandang ehemplo ang kanilang naging content
Photo from Camille Trinidad (@camilleptrinidad)
Source: Instagram

Kadalasang prank video ang kanilang mga content. Gayunpaman, marami naman sa kanilang mga tagasuporta ang naaliw sa kanila. Nabago lamang ito nang sunod-sunod ang mga isyung kinasangkutan nila kabilang na ang isyu ng reklamo ng isang graphic designer.

Read also

Camille Trinidad, hindi napigilan ang emosyon nang matanong tungkol sa kasalanan sa kanya ni Jayzam Manabat

Nasundan ito ng isyu ng cheating ni Jayzam na umabot pa sa programa ni Raffy Tulfo kung saan tatlong mga babae ang kasangkot.

Naging malaking dagok ito sa dalawa ngunit sinubukan nilang bumangon. Gayunpaman, ayon sa pahayag nila kamakailan, hindi pa pala sila totalluy na nag-heal kaya bumigay sila at humantong sa pagkakabura ng kanilang channel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.

Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.

Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.

Nais paalalahanan ng KAMI ang aming tagasubaybay na kaakibat ng ating kalayaan sa pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung ang pahayag ay makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay iwasan ang paggamit ng mga mapanirang pahayag. Palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, at wala ding mali sa pagpapahayag ng saloobin ukol sa isang paksa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

iiq_pixel