JaMill, inaming gulong-gulo sila kaya nagbalak na ibenta ang kanilang bahay

JaMill, inaming gulong-gulo sila kaya nagbalak na ibenta ang kanilang bahay

- Sa kanilang panayam na inere sa 'Kapuso Mo Jessica Soho', sinagot nina Camille Trinidad at Jayzam Manabat ang tungkol sa tanong kung totoo bang binalak nilang ibenta ang kanilang bahay

- Inamin nila ito at sinabing gulong-gulo ang kanilang pag-iisip noong mga panahong iyon kasunod ng kanilang pag delete ng kanilang channel

- Gayunpaman, pinag-uusapan na umano nila nang maigi ang tungkol sa mga bagay na ito

- Ang bahay na tinutukoy ay ang nauipundar nilang bahay mula sa kanilang pag-vlog

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanilang pakikipag-usap kay Jessica Soho sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho, naikwento ng magkasintahang Camille Trinidad at Jayzam Manabat ang tungkol sa napabalitang ibinenta nila ang kanilang bahay.

JaMill, inaming gulong-gulo sila kaya nagbalak na ibenta ang kanilang bahay
Photo from Camille Trinidad (@camilleptrinidad)
Source: Instagram

Inamin ng dalawa ang tungkol dito ngunit ito umano ang mga panahong gulong-gulo sila kasunod ng pagkakabura ng kanilang YouTube channel.

Read also

Camille Trinidad, hindi napigilan ang emosyon nang matanong tungkol sa kasalanan sa kanya ni Jayzam Manabat

Kasalukuyan na umano nilang pinag-uusapan ang mga bagay-bagay at susubukan nilang ayusin ang kanilang content.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa bawat relasyon, may mga pagsubok talaga na darating na dapat natin makayanan at malagpasan upang ito ay ang maging inspirasyon at pundasyon para mapagtibay pa ang inyong pagmamahalan.
Ayusin nyu nlng magkaron kayo ng masayng pamilya sayang ung mga bagay n naumpisahan nyu n at saka tulong minsan content nyo pra matuwa lalo ung iba..

Ang tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.

Bilang kabilang sa pinakamatagumpay na vloggers sa bansa, hindi nakakapagtaka na nakapagpatayo ng kanilang sariling bahay ang magkasintahan.

Read also

JaMill, aminadong hindi naging magandang ehemplo ang kanilang naging content

Nasangkot din sa matinding pambabatikos ang tambalan matapos ang isyu tungkol sa umano'y pambabastos ni Camille sa ina ni Jayzam.

Nais paalalahanan ng KAMI ang aming tagasubaybay na kaakibat ng ating kalayaan sa pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung ang pahayag ay makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay iwasan ang paggamit ng mga mapanirang pahayag. Palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, at wala ding mali sa pagpapahayag ng saloobin ukol sa isang paksa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel