Madam Inutz, todo ang pagpapa-beauty sa kanyang hair transformation video

Madam Inutz, todo ang pagpapa-beauty sa kanyang hair transformation video

- Ibinahagi ni Madam Inutz ang hair transformation video niya kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino

- Ipinakita kung paano inaalagaan ni Wilbert ang kanyang talent na si Madam Inutz na kasabay pa niya sa kanilang pamper day

- Ayon pa kay Madam Inutz, iyon ang 'first time' niya na magpa-salon na todo-todo ang serbisyo

- Sa kanyang Facebook post, ibinahagi na rin niya ang pagpirma niya ng kontrata sa isang wellness centre

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Super enjoy si Madam Inutz sa hair makeover na ginawa sa kanya ng ML All Stars Salon.

Nalaman ng KAMI na kasama niya ang kanyang manager at iba pang 'ka-freshness' para sa pamper day nila.

Talagang sa pang-celebrity na salon pa pinaayos ni Wilbert ang hair ni Madam Inutz gayundin na may kasama pang nail care.

Read also

Ethel Booba, sinabing siya ang naka-tokang mag-judge kay Madam Inutz

Madam Inutz, todo ang pagpapaganda sa kanyang hair transformation video
Madam Inutz (Photo credit: Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Kitang-kita ang saya ni Madam Inutz lalo na at nasabi niyang first time pa lamang niyang makaranas ng ganoong klaseng salon treatment at dati'y 'kanto-kanto' lamang daw ang nararanasan niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mapapanood ang kabuuan ng video ng kanyang hair transformation sa kanyang YouTube channel na Daisy Lopez:

Samantala, sa kanyang pinakabagong post, ipinakita rin ni Madam Inutz na pumirma na siya ng kontrata bilang brand ambassador ng Skin and Beyond Aesthetics and Wellness Centre.

Kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino, ginanap ang contract signing para sa nasabing wellness centre.

Agad na nakilala ng publiko si 'Madam Inutz' ng 'Daisy_licious Ukay' dahil sa viral live selling niya na pumalo sa mahigit 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga paninda.

Isa rin sa mga kinagiliwan sa kanya ay nang magsukat siya ng damit na aniya'y pamburol at umaktong tila kabaong na lamang daw ang kulang sa kanya.

Read also

Vice Ganda, pinakita ang kanyang hair makeover sa salon ni Ryan Bang

Noong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanyang manager at isa ring vlogger na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Isinapubliko rin agad nila ang mga proyektong nakahain na para gawin ni Madam Inutz at isa na rito ang lalabas niyang debut single na may pamagat na "Inutil."

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Tags:
Online view pixel