Anjo at Ryan Yllana, humarap na kay Raffy Tulfo matapos ireklamo
-Nagsadya sa tanggapan ng TV5 ang magkapatid na Anjo at Ryan Yllana matapos nilang mabalitaan ang reklamo laban sa kanila
-Una nang naibalita na inireklamo ng ilang estudyante ang pamunuan ng eskwelahang pag-aari nila matapos madiskubre na hindi ito rehistrado sa TESDA
-Niliwanag naman ng magkapatid na Yllana kung bakit hindi nakarehistro ang Yllana College
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Matapos daw mabalitaan ang reklamo laban sa eskwelahang pag-aari, nagsadya sa tanggapan ng TV5 ang magkapatid na Anjo at Ryan Yllana para liwanagin ang kanilang panig.
Una nang naibalita ng nang ilang estudyante mula sa Yllana College ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang nasabing eskwelahan.
Napag-alaman kasi ng mga ito na hindi rehistrado sa TESDA ang eskwelahang pag-aari ng mga Yllana.
Ayon naman sa aktor at host na si Anjo Yllana, siya ang unang nagtatag ng nasabing eskwelahan at ipinasa na lamang ang pamumuno sa kanyang kapatid na si Ryan.
Sabi ng dalawa, nagkaroon lamang sila ng problema nang lumipat sila ng pwesto. Kinailangan kasi nilang lumipat dahil hindi na kumikita ang paaralan.
Ngunit nagkaroon sila ng problema sa Securities and Exchange Commission (SEC) dahil dito.
Ayon pa kay Ryan na siyang tumatayong presidente ng paaralan, ilang beses na silang nagpabalik-balik sa SEC na inabot na ng isang taon, dahil lamang sa pagpapalit ng address.
Dahil dito, hindi sila nakapagparehistro sa TESDA.
PAY ATTENTION: Submit to info@kami.com.ph or message us on Facebook your personal story, along with related photos or videos, and get a chance to make an impact on other people’s lives! If your story gets chosen, our video team will make a special feature about it so that others can learn and be inspired by your journey. We can also hide your identity in the special feature, depending on your preference.
Pero ayon naman kay Alejanda De Jesus, Provincial Director ng TESDA, posibleng naging kampante ang mga Yllana sa kanilang administrator.
Maaari raw kasi na dahil sa haba ng proseso ay "tinamad" na itong tapusin ang trabaho.
Nagkaroon naman daw ng pag-uusap sa pagitan ng TESDA, ng mga nagrereklamo at ng asawa ni Ryan tungkol dito ngunit umabot na nga ang reklamo sa programa ni Tulfo.
Sabi naman ni Anjo, handa silang tumulong at ibigay ang mga nais na refund ng mga esrudyante. Handa rin daw sila na humarap sa mga ito.
Humingi rin ng paumanhin si Anjo sa mga estudyante at umapela sa TESDA na kung maaari pang mabawi ng mga nagrereklamo ang isang taon na "nasayang" dahil sa gulong ito.
Pero isa pang akusasyon ang hinaharap ng Yllana College matapos sabihin ng isa sa mga nagrereklamo na si Edmond Mitra na nag-issue umano ang mga ito ng pekeng certificate.
Itinanggi naman ito ng magkapatid at sinabing wala silang nabalitaan tungkol dito.
Sabi pa ni Anjo, itinayo niya ang naturang eskwelahan na ang layunin ay makatulong sa mga kapos na estudyante at wala silang masamang intensyon.
PAY ATTENTION: Using free basics app to access the internet for free? Now you can read
Si Anjo Yllana ay isang Filipino actor-comedian at politician.
Kapatid nito sina Jomari, Ryan at Paulie Yllana.
Isa si Anjo sa mga hosts ng longest-running noontime variety show na Eat Bulaga.
Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tricky Questions: What Is The Tagalog of Winter Melon?
Translating English words into Filipino might be way more challenging than you thought! Try it yourself together with our random passers-by. -on KAMI
Source: KAMI.com.gh