Ethel Booba, sinabing siya ang naka-tokang mag-judge kay Madam Inutz

Ethel Booba, sinabing siya ang naka-tokang mag-judge kay Madam Inutz

- Kaabang-abang ang muling paghaharap nina Ethel Booba at Madam Inutz matapos ang naganap na isyu sa kanila

- Nakatakda silang mapanood sa 'Sing Galing' SingLebrity Edition ng TV 5 kung saan si Ethel ay judge at isa sa kalahok si Madam Inutz

- Sa panayam kay Ethel sa online show ni Cristy Fermin na Cristy Ferminute, naikwento ni Ethel na siya ang naka-tokang magbigay ng komento sa performance ni Madam Inutz

- Biro niya pa ay ito na umano ang kanyang pagkakataong makapaghiganti sa viral na online seller

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naibahagi ni Ethel Booba sa panayam sa kanya ng Cristy Ferminute na nagkaharap na nga sila ni Madam Inutz sa Sing Galing Singlebrity Edition ng TV 5 kung saan isa siya sa mga judge at si Madam Inutz ay isa naman sa mga kalahok.

Read also

Madam Inutz, todo ang pagpapa-beauty sa kanyang hair transformation video

Ethel Booba, sinabing siya ang naka-tokang mag-judge kay Madam Inutz
Ethel Booba (@ethelbooba)
Source: Instagram

Ayon kay Ethel, ka-abang abang ang kanilang muling paghaharap lalo at sa kanya pa natapat ang pagbigay ng komento para sa performance ni Madam Inutz.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang isyu ng hindi pakikiharap ni Madam Inutz kina Ethel at mga kasamahan nito nang pumunta sila sa bahay ng viral online seller.

Dahil dito ay nagpasaring si Ethel at ang mga kasamahan niya sa TikTok kaya lalong naging maintriga ang nangyari. Umabot ito sa puntong naapektuhan ang kampo nila Ethel sa pambabatikos ng netizens.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, nagkalinawan na sila ng manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino na kaibigan din ni Ethel at ng kanyang asawa.

Si Ethel Gabison o mas kilala bilang si Ethel Booba ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

Read also

Zeinab Harake, napagbayad ng buong menu ng isang resto: "Para sa frontliners"

Kaya naman umalma siya nang akusahan siyang ginamit lamang niya ang ABS-CBN kasunod ng kanyang paglabas ng saloobin laban sa Kapamilya network.

Naging usap-usapan din kamakailan ang kanyang kakaibang mga halaman sa loob ng bahay. Kagaya ng ibang mga plantita, ibinahagi niya ang kanyang mga tanim kagaya ng talong, malunggay at iba pang gulay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel