Tricycle driver na naisisingit ang online class sa pamamasada, hinangaan

Tricycle driver na naisisingit ang online class sa pamamasada, hinangaan

- Hinangaan ng marami ang isang 21-anyos na tricycle driver na nagagawa pa rin na mag-aral habang namamasada

- Isang traffic enforcer ang nakapansin sa trike driver na may 'papel at bolpen' na inakala pa niyang nagpapataya

- Doon pinaliwanag ng driver na isa siyang estudyante at habang namamasada ay sinisikap niyang makasabay sa klase

- Mahirap man, ngunit tinatyaga niya ito upang maipagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kahanga-hanga ang 21-anyos na tricycle driver na si Michael Jabal na kinakaya ang pamamasada habang siya ay nasa kanyang online class.

Nalaman ng KAMI na ang traffic enforcer na si Markiel Monreal ang nakapansin kay Michael na may 'papel at bolpen' habang namamasada.

Biniro pa raw niya ito na inakalang nagpapataya. Agad namang nilinaw ni Michael na ang papel at bolpen ay para sa kanyang pag-aaral na sinisikap niyang isabay habang siya ay naghahanapbuhay.

Read also

Camille Trinidad, hindi napigilan ang emosyon nang matanong tungkol sa kasalanan sa kanya ni Jayzam Manabat

Tricycle driver na naisisingit ang online class sa pamamasada, hinangaan
Tricycle driver na naisisingit ang online class sa pamamasada, hinangaan
Source: Facebook

Sa panayam ng GMA News kay Michael, sinabi nitong tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pagpasada habang siya ay nagkaklase.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Dirediretso po 'yun ma'am. Habang nagkaklase po ako, namamasada ako."

Aminado si Michael na talagang nakukulangan siya sa pagpapahinga lalo na kung araw ng klase.

"Kapag may time po na walang pasahero, sumasagot po ako sa mga ano ko po ma'am, assignment ko po"

Dagdag pa sa hirap ng pagsasabay ng pag-aaral at pamamasada ang tumal ng biyahe na siyang dahilan ng mababang kita.

Tinatayang nasa dalawang daang piso lamang ang kanyang kinikita sa isang araw kahit pa hanggang gabi na siya namamasada.

May edad na kasi ang kanyang mga magulang kaya naman siya na lamang ang susmusuporta sa kanayng edukasyon ngayong nasa grade 11 na siya.

Read also

Manny Pacquiao, walang taong kinatatakutan; "Sa Panginoon lang ako takot"

"Gusto ko pong maging pulis ma'am, o kaya sundalo ma'am," pangarap ni Michael na nais niyang matupad balang araw dahil sa kanyang pagsisikap.

Isang malaking pagsubok ngayong panahon ng pandemya ang pagpapatuloy sa pag-aaral.

Tulad ni Michael, marami sa ating mga kababayan ang sinisikap na pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral dala ng hirap ng buhay dala ng krisis ng pandemya.

Minsan na ring nag-viral ang isang delivery rider na dumadalo ng online class niya kung wala siyang customer. Ginagawa niya ito dahil sa may sakit ang ama na inaalagaan naman ng kanyang ina kaya siya ang naghahanapbuhay para sa pamilya.

Gayundin ang isang jeepney driver na napagsumikapang igapang ang sariling pag-aaral, huwag lamang mamroblema ang kanyang mga magulang sa kagastusan sa pagpasok niya noon sa unibersidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica