Manny Pacquiao, walang taong kinatatakutan; "Sa Panginoon lang ako takot"

Manny Pacquiao, walang taong kinatatakutan; "Sa Panginoon lang ako takot"

- Matapang na sinabi ni Manny Pacquiao na wala umano siyang kinatatakutang tao

- Sa kanyang pagpapahayag ng pagtakbo bilang Pangulo ng bansa, alam daw ng 'boxing senator' na marami siyang makakabangga

- Binalaan din niya ang mga umano'y kawatan sa gobyerno na magsimula nang magdasal na 'wag siyang manalo at ipakukulong daw niya talaga ang mga ito

- Napaghandaan na rin ni Pacquiao ang mga plataporma na tinawag niyang '22-round agenda'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Buong tapang na sinabi ni Senator Manny Pacquiao na wala umano siyang kinatatakutang tao.

Nalaman ng KAMI na sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, kinumpirma ng 'boxing senator' ang pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa bansa para sa 2022 elections.

Dahil dito, alam daw ni Manny na marami siyang makakabangga lalo na sa mga adhikain niya na puksain ang mga tiwali sa pamahalaan.

Read also

Manny Pacquiao, tigil na sa boxing; naka-focus sa pagtakbo bilang Pangulo ng bansa

Manny Pacquiao, walang taong kinatatakutan; "Sa Panginoon lang ako takot"
Manny Pacquiao (Photo: Toni Gonzaga Studios)
Source: UGC
"Kadami kong kabangga, kadami kong masagasaan. Takot ba ako sa kanila? Manny Pacquiao?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doon sinabi niyang tanging ang Panginoon lamang ang kanyang kinatatakutan.

Binalaan din umano niya nga umano'y tiwali sa gobyerno na manalangin na huwag siyang manalo at tototohanin niya ang pagpapakulong sa mga ito.

"Magdasal diyan 'yung mga kawatan diyan sa gobyerno. Magdasal na 'wag manalo ako kasi hindi ako nagbibiro, totohanin ko talaga yan."

Naniniwala rin umano si Manny na mababago natin ang sistema ng bansa lalo na kung unang susugpuin ang korapsyon.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Toni Gonzaga Studios:

Si Manny "Pacman" Pacquiao ay isang eight-division world boxing champion, at tinaguriang "one of the greatest boxers in history". Pinasok din niya ang pulitika kung saan una siya naging congressman at ngayon, isa siya sa mga senador ng bansa. May 10, 2000 nang ikasal siya kay Jinkee at nabiyayaan sila ng limang anak na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.

Read also

Manny Pacquiao, tatakbo bilang presidente ng bansa; inilatag ang '22-round agenda'

Kamakailan, nagpaunlak din ng panayam si Pacquiao sa programa ni Raffy Tulfo kung saan pupuntahan umano nila ang isang lola na labis ang paghanga sa kanilang dalawa.

Doon, nabanggit ng lola na nais niyang maging presidente ng bansa si Manny at sinagot naman ito ng senador na sa 'Oktubre' pa niya umano ito mapapagdesisyunan. Subalit, hindi pa man natatapos ang Setyembre, kinumpirma na ni Pacquiao ang pagtakbo niya sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

Sa kanyang kumpirmasyon ng pagtakbo sa pagka-Pangulo, inihanda na rin niya ang tinawag niyang '22-round agenda.'

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica