Raffy Tulfo at Manny Pacquiao, nag-tandem para mapasaya ang fan nilang 101-anyos na lola
- Isang 101-anyos na lola ang labis na napasaya nina Raffy Tulfo at Senator Manny Pacquiao
- Nagbigay ng liham ang lola kay Raffy Tulfo na binasa nila sa programang 'Wanted sa Radyo'
- Nagpadala pa ito ng mga handicrafts na siya mismo ang gumagawa bilang libangan
- Bilang paunang surpresa bago nila bisitahan ang lola, nagpadala agad sina Raffy at senator Manny halagang Php151,000 sa kanilang avid fan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Naluluha raw sa saya ang 101-anyos na lola na si Dolores Go na natupad ang munting hiling na makausap ang kanyang mga idolo na sina Raffy Tulfo at si Senator Manny Pacquiao.
Nalaman ng KAMI na nagpadala pa umano ng mga tatting at iba pang mga handicrafts si Lola Dolores kay Tulfo kalakip ang liham nitong nagsasabi na fan na fan siya nito gayundin ng boxing senator.
Dahil dito, sinurpresa ni Tulfo ang lola kung saan naka-video call din nila si Senator Manny.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Bilang paunang bigay kay Lola Dolores, nagpadala ng Php101,000 si Sen. Manny sa kanya habang ang kanya namang 'Idol Raffy' ay magpapadala ng Php50,000.
Sa kanilang pagpunta umano sa lola sa kaarawan nito sa Oktubre, bibigyan din niya ito ng Raffy Tulfo in Action merchandise.
Sobra-sobra ang pasasalamat ni Lola Dolores sa mga surpresang natanggap gayung ang hiling lamang umano niya ay makita at makausap ang mga iniidolo niya.
Narito ang kabuuan ng video mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube channel:
Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.
Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan may mahigit 21.9 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'
Bukod sa pagbibigay aksyon niya sa sumbong ng kababayan nating naapi, kilala rin si Tulfo sa pagbibigay tulong sa mga kapos-palad.
Source: KAMI.com.gh