Samantha Bernardo, binigyan ng isang puntos si Kyle dahil sa 'di pagtulong sa gawaing bahay

Samantha Bernardo, binigyan ng isang puntos si Kyle dahil sa 'di pagtulong sa gawaing bahay

- Si Kyle Echarri ang nakakuha ng pinakamataas na puntos mula sa nominasyon ngayong linggo sa 'Pinoy Big Brother' house

- Isa sa mga bumoto sa kanya si Samantha Bernardo na binigyan siya ng isang puntos

- Ito ay dahil matapos daw niyang turuan na magsaing si Kyle, hindi pa rin ito tumutulong sa mga gawaing bahay

- Kasama ni Kyle sina Anji at Alexa sa mga nominado ngayong linggo at isa sa kanila ang maaring lumabas na sa bahay ni Kuya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ikaapat na nominasyon sa Pinoy Big Brother Season 10 Kumunity celebrity edition, lumabas na mga nominado sina Kyle Echarri, Anji Salvacion at Alexa Ilacad.

Nalaman ng KAMI na si Kyle ang nakatanggap ng pinakamataas na puntos na 13. Sinundan naman siya ni Anji na nagkaroon ng 11 puntos habang si Alexa, 7 puntos.

Read also

Madam Inutz, nag-react sa isyu ng harassment sa PBB: "Galit ako sa taong mapanghusga"

Samantha Bernardo, binigyan ng isang puntos si Kyle dahil sa 'di pagtulong sa gawaing bahay
Kyle Echarri (@kyleecharri)
Source: Facebook

Isa sa mga nagbigay ng 1 point kay Kyle ay si Samantha. Aniya, hindi raw tumutulong sa gawaing bahay si Kyle bagay na dapat niyang matutunan bilang bahagi ng kanyang pakikisama sa kanyang mga kapwa housemates.

"Tinuruan ko na po siyang magsaing, hindi pa rin po siya tumutulong sa gawaing bahay"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, halos pare-pareho ang komento ng mga housemates na nag-nominate kay Anji.

Ayon sa kanila, napapansin nila ang tila pagiging immature umano nito na kahit ang madalas nitong paglalambing ay hindi na rin komportable ang ilang mga housemates.

"Yung mga kilos niya, ginagawa niyang OA para na lang mapansin namin siya," pahayag ni Alexa nang mai-nominate niya si Anji.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa nominasyong naganap nito lamang Linggo, Nobyembre 21:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

TJ Valderrama sa isyu ng harassment sa PBB: "Magkakailangan 'yan, for sure"

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo at Chie Filomeno.

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang pag-walkout ni KD sa pagiging nominado niya sa ikatlong pagkakataon.

Subalit si Chie Filomeno ang na-evict sa bahay ni Kuya sa 3rd eviction night noong nakaraang Nobyembre 13 habang ligtas naman sa ikaapat na nominasyon si KD.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel