Madam Inutz, nag-react sa isyu ng harassment sa PBB: "Galit ako sa taong mapanghusga"

Madam Inutz, nag-react sa isyu ng harassment sa PBB: "Galit ako sa taong mapanghusga"

- Hindi naiwasang maglabas ng saloobin ni Madam Inutz kaugnay sa isyu ng harassment sa loob ng bahay ni Kuya

- Aniya, wala umanong problema sa loob ng bahay kundi sa mga nasa labas partikular na umano ang mga makikitid ang utak

- Sumunod din niyang nasabi ang ikinagagalit niya at iyon ay ang mga taong mapanghusga

- Binigyang diin naman ng host ng programa na si Toni Gonzaga na kailanma'y hindi pahihintulutan ng PBB ang pang-haharas sa loob ng bahay mapatunayan man na ito ay may katotohanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsahang sinabi ni Madam Inutz na wala umanong problema sa kanila sa loob ng bahay ni Kuya.

Nalaman ng KAMI na ito ay ibinulalas ni madam Inutz nang upuan at pag-usapan na nilang mga housemates ang di umano'y napupuna ng mga tagasubaybay sa kanila.

Read also

TJ Valderrama sa isyu ng harassment sa PBB: "Magkakailangan 'yan, for sure"

Kamakailan ay nag-trending ang "force evict TJ" hashtag dahil sa mga screenshots na di umano'y nagpapatunay na hindi na maganda ang pagiging malapit nito kay Shanaia.

Madam Inutz, nag-react sa isyu ng harassment sa PBB: "Galit ako sa taong mapanghusga"
Madam Inutz (Photo from Daisylicious_Ukay)
Source: Facebook

Inalmahan ito ng mga nakakapanood sa kanila dahilan para mapag-usapan na rin ng mga housemates.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Alam mo walang problema rito, ang problema nasa labas... Makitid ang utak!" pahayag ni Madam Inutz, bagay na sinang-ayunan naman ng kanyang mga kasama.

Subalit, hindi nila ito kontrolado kaya naman minabuti nilang pagkasunduan na maging maingat sa kanilang inaakto sa loob ng bahay.

"Naiintindihan ko 'yung point ni Kuya, alam mo kung san ako galit? Sa taong mapanghusga lang talaga," dagdag pa ni Madam Inutz.

Binigyang diin naman ng PBB host na si Toni Gonzaga na hindi rin pahihintulutan ng Pinoy Big Brother ang anumang uri ng panghaharas sakaling mapantunayan.

Read also

Samantha Bernardo, binigyan ng isang puntos si Kyle dahil sa 'di pagtulong sa gawaing bahay

Narito ang kabuuan ng kanilang naging usapan:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Ngayon kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Ayon kay Wilbert, ito raw ang motivation niya kay Madam Inutz para pagbutihin nito ang kanyang gagawin sa pagiging isa sa mga celebrity housemates ni Big Brother.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel