TJ Valderrama sa isyu ng harassment sa PBB: "Magkakailangan 'yan, for sure"

TJ Valderrama sa isyu ng harassment sa PBB: "Magkakailangan 'yan, for sure"

- Pinag-usapan na ng mga housemates ang sinasabing isyu na nakita at napansin ng kanilang mga tagasubaybay

- Halos isang linggong nag-trending ang di umano'y harassment na nagaganap sa bahay ni Kuya na base raw sa mga napapansin ng netizens

- Mismong ang mga housemate na ang nagkumpirmang walang nangyayaring ganoong bagay sa kanila

- Maging si TJ na 'di umano'y nadidiin sa isyu ay nagbigay ng kanyang pahayag sa kontorbersiya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa day 38 ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, pinag-usapan at inupuan na ng mga housemates ang ang umano'y isyu na nakita at napuna ng kanilang mga tagasubaybay.

Nalaman ng KAMI na ito ay may kaugnayan sa pagiging malapit nila sa isa't isa partikular na raw di umano ni TJ kay Shanaia.

Ilang screenshots ang nagkalat sa social media nitong nakaraang linggo na nagsasabing hindi na maganda ang pagiging malapit ng dalawang nabanggit na housemate.

Read also

Madam Inutz, nag-react sa isyu ng harassment sa PBB: "Galit ako sa taong mapanghusga"

TJ Valderrama sa isyung harassment sa PBB: "Magkakailangan 'yan, for sure"
TJ Valderrama (Photo from Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Gayunpaman, mismong ang kanilang mga kasama ang nagkumpirmang walang harassment o anumang violation ang nangyayari sa kanila sa loob ng bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si TJ na nadidiin sa sitwasyon ay naglabas din ng kanyang saloobin.

"Tulad ng sinabi niyo nga, galing tayo sa pandemic, na walang touching walang kahit anong physical distancing and we're here, we're all negative, we're here in one house and family na rin tayong lahat, hindi mo mapigilan na magpakita ng physical na affection. 'Tas pwedeng iba yung tingin iba yung anggulo... Alam niyo na, hindi natin pigilan kasi 'yung sinasabi ng iba"
"Somehow, makaka-damage yan sa relationship natin dito sa house. Magkakailangan yan for sure. E ayaw din naman ni kuya 'yun, na mawala 'yung relationship natin sa isa't isa. So we have to find that sweet spot na parang sakto lang pero hindi mawawala 'yung love natin, 'yung affection natin sa isa't isa."

Read also

PBB housemates, pinag-usapan na ang isyung napapansin ng kanilang mga manonood

Narito ang kabuuan ng kanilang naging usapan:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo at Chie Filomeno.

Kamakailan ay naging kontrobersyal din ang pag-walkout ni KD sa pagiging nominado niya sa ikatlong pagkakataon.

Subalit si Chie Filomeno ang na-evict sa bahay ni Kuya sa 3rd eviction night noong nakaraang Nobyembre 20 habang ligtas naman sa ikaapat na nominasyon si KD.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel