Madam Inutz, bumuhos ang luha sa birthday celebration niya sa PBB house

Madam Inutz, bumuhos ang luha sa birthday celebration niya sa PBB house

- Bumuhos ang luha ni Madam Inutz dahil sa surpresang selebrasyon sa kanya ni Kuya at ng mga housemates

- Hindi niya inaasahan na ang online show nila sa KUMU ay para makalikom ng 'pang-chicha' sa kanyang birthday celebration sa bahay ni Kuya

- Ibinigay din sa kanila ang paborito ni Madam Inutz na inumin gayundin ang samgyupsal na pasimpleng nalaman ni Samantha

- Binati din siya nga mga taong malalapit sa kanyang puso lalo na ang kanyang mga anak na miss na miss na siya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Talagang bumuhos ang luha ni Madam Inutz sa saya dahil sa mga surpresa sa kanya ni Kuya at ng mga housemates sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Nalaman ng KAMI na tinipon ni Kuya ng Pinoy Big Brother ang ilang housemates upang bigyan sila ng task para makalikom ng 'pang-chicha' sa birthday celebration ni Madam Inutz.

Read also

Anji Salvacion, muling naging nominado dahil umano sa 'immaturity'

Naging matagumpay naman at higit pa sa inaasahan ang kanilang nalikom kaya naman nabigyan nila ng memorable birthday celebration si Madam Inutz sa loob ng bahay ni Kuya.

Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino (Photo from Daisylicious_Ukay)
Madam Inutz kasama ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino (Photo from Daisylicious_Ukay)
Source: Facebook

Bukod sa natupad ang mga nais ni Madam na pasimpleng inalam ni Samantha, binati din siya ng mga taong malalapit sa kanyang puso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilan sa mga ito ay ang kanyang Ka-freshness family sa pangunguna ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Binati rin siya ng kanyang pamilya kung saan nakita niyang muli ang kanyang pinakamamahal na ina.

Nang tawagin naman siya sa confession room, doon ipinakita sa kanya ni Kuya ang pagbati mula sa kanyang tatlong anak na miss na miss na siya.

Labis niyang pinagpapasalamat ang selebrasyong handog sa kanya ng PBB. Nilarawan pa niyang 'priceless' ang selebrasyong ito.

Read also

Alexa Ilacad, bumuhos ang luha nang isiwalat sa ina ang kanyang kondisyon

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Ngayon kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Ayon kay Wilbert, ito raw ang motivation niya kay Madam Inutz para pagbutihin nito ang kanyang gagawin sa pagiging isa sa mga celebrity housemates ni Big Brother.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel