Alexa Ilacad, bumuhos ang luha nang isiwalat sa ina ang kanyang kondisyon

Alexa Ilacad, bumuhos ang luha nang isiwalat sa ina ang kanyang kondisyon

- Hindi napigilang maiyak ni Alexa Ilacad nang mabigyan sila ng oras ng kanyang ina na makapag-usap

- Sa tulong ni Madam Inutz, nagkaroon ng pagkakataon si Alexa na sabihin sa kanyang Mommy Dina ang tungkol sa kanyang kondisyon

- Walang sinabi ang ina ni Alexa kundi ang todo-todong suporta at pagmamahal niya sa anak

- Kamakailan, buong tapang na inamin ni Alexa sa loob ng bahay ni Kuya na siya ay dumaranas ng depresyon dahil sa kanyang kondisyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos ang luha ni Alexa Ilacad sa loob ng Pinoy Big Brother House nang mabigyan na siya ni Kuya ng pagkakataon na makausap ang kanyang Mommy Dina.

Ito ay kaugnay sa kanyang depresyon dahil umano sa tingin niya sa kanyang pangangatawan.

Alexa Ilacad, bumuhos ang luha nang isiwalat sa ina ang kanyang kondisyon
Alexa Ilacad (Photo from Pinoy Big Brohter YouUtbe channel)
Source: Facebook
"Mommy I was diagnosed with major depression disorder caused by body dysmorphia"

Read also

Dating sumisisid ng barya sa pier, may masters degree na ngayon

"Sabi ko kay Kuya as my mom, you have the right to know what is happening to me."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ito sa buong tapang niyang isiniwalat sa loob ng bahay ni Kuya na ang paliwanag ni Alexa, kahit anong sabi o pagkumbinsi ng tao na maganda siya at ang kanyang pangangatawan, para sa kanya wala itong katotohanan.

Wala naman ibang naging reaksyon ang ina ni Alexa kundi ang patatagin ang loob ng anak at sinabi nitong marami ang nagmamahal at sumusuporta sa kanya sa labas.

Ayon pa kay Mommy Dina, alam niya ang lahat ng mga kaganapan kay Alexa at aprubado niya maging ang mga test kay sa anak.

Laking pasalamat naman ni Alexa sa pagiging open-minded ng kanyang ina sa mga pangyayari na walang ibang hangad kundi ang mapasaya at mapabuti siya.

Read also

Maricel Soriano, ibinahagi ang kanyang saloobin sa ilang mga artistang naktrabaho niya

Narito ang kabuuan ng video mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid

Ngayong 2021, Pinoy Big Brother Season 10 Kumunity calebrity edition naman ang tinututukan ng mga Kapamilya.

Ilan sa mga kilalang personalidad na nakapasok sa bahay ni Kuya ay sina Alyssa Valdez, Brenda Mage at Madam Inutz.

Kamakailan, naging usap-usapan ang umano'y pagwo-walkout ni KD Estrada matapos na marinig ang kanyang pangalan na nominado sa ikatlong pagkakataon.

Gayundin ang pagbibigay umano ni Madam Inutz ng dalawang puntos kay Chie sa kanilang nominasyon dahil wala raw itong naitutulong kundi puro pagpapaganda. Ngayong Nobyembre 21, tuluyan nang namaalam si Chie sa bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel