KD Estrada, nag-walk out nang maging nominado muli sa ikatlong pagkakataon

KD Estrada, nag-walk out nang maging nominado muli sa ikatlong pagkakataon

- Nag-walk out si KD Estrada nang malamang niyang nominado na naman siya ngayong linggo sa Pinoy Big Brother House

- Matapos na mabanggit ni Toni Gonzaga ang pangalan ni KD, agad na tumayo ang housemate at humahagulhol na pumasok sa kwarto

- Tumindi lalo ang emosyon nang tanungin ni Toni si Brenda kung gagamitin nito ang 'secret' power niya ngunit hindi naman ito ginamit ng komedyante

- Bukod kay KD, nominado rin sina Chie, Benedix at Eian sa linggong ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tumindi lalo ang tensyon sa loob ng PBB house nang malaman ng KD Estrada na isa na naman siya sa mga nominado sa linggong ito.

Nalaman ng KAMI na ito ang ikatlong pagkakataon ni KD na maging nominado at may posibilidad na ma-evict sa susunod na linggo.

KD Estrada, nag-walk out nang nang maging nominado muli sa ikatlong pagkakataon
Photo from Pinoy Big Brother
Source: Facebook

Pagkasabi pa lamang ni Toni Gonzaga sa pangalan ni KD bilang isa sa mga nominado, agad itong tumayo, at humahagulhol na pumanta ng kanilang kwarto.

Mapapansin ding naging emosyonal si Brenda Mage, na lalong naluha nang tanungin siya ni Toni Gonzaga kung nais na ba niyang gamitin ang special power na naiatang sa kanyan ni Kuya. Hindi naman ito ginamit ni Brenda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, mabilis ding nag-viral ang pagpataw ni Madam Inutz ng dalawang puntos kay Chie Filomeno dahil sa wala raw itong naiaambag sa kanila kung ang palagian nitong pagpapaganda.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid

Kamakailan, nasabi ni Ivana Alawi sa interview sa kanya ni Ogie Diaz na papayag siyang maging housemate ni kuya. Inalala niyang isa siya sa mga pumila noon para sa audition ngunit hindi pinalad na maging isang housemate ni Kuya.

Sa interview ni Toni Gonzaga sa direktor at head ng Pinoy Big Brother na si Lauren Dyogi, mariin pa rin niyang itinanggi na siya ang misteryosong si 'Kuya' na hindi nagpapakita ng mukha.

Pinasalamatan din ni Direk Lauren si Toni na bagaman at malaki ang nabawas sa salary nito ay tinanggap pa rin ang pagiging isa sa mga host ng Pinoy Big Brother na tumatak na sa mga Pilipino.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel