Madam Inutz, binigyan ng 2 puntos si Chie dahil wala raw naiaambag sa kanila

Madam Inutz, binigyan ng 2 puntos si Chie dahil wala raw naiaambag sa kanila

- Viral ang naging nominasyon kung saan 2 points ang ipinatawa ni Madam Inutz kay Chie Filomeno

- Ayon kay Madam Inutz, wala umanong naiaambag si Chie kundi ang magpaganda

- Aniya, ready na raw itong umalis ng bahay ni Kuya dahil wala naman daw itong ginagawa

- Isa si Chie sa nominado ngayong linggo kasama sina Eian, Benedix at KD naman sa ikalawang pagkakataon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging prangka si Madam Inutz at hayagang sinabi ang kanyang rason kung bakit 2 points ang ipinataw niya kay Chie Filomeno.

Nalaman ng KAMI na wala raw naiaambag si Chie ayon kay Madam Inutz sa mga gawain nila sa loob ng bahay ni Kuya.

Madam Inutz, 2 points ang ipinataw kay Chie dahil wala raw itong naitutulong sa PBB house
Madam Inutz (Photo from Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Aniya, puro pagpapaganda lamang ang ginagawa nito kaya namang handa na raw itong umalis na lamang ng PBB house.

Read also

KD Estrada, nag-walk out nang maging nominado muli sa ikatlong pagkakataon

"Binibigyan ko ng two points si Chie. Ready na siya. Ready na siyang umalis, kasi nga wala naman siyang ginawa. Wala naman siyang maiambag sa bahay kundi pagpapaganda," diretsahang nasabi ni Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Chie, pati narin sina Eian at Benedix ang nominado ngayong linggo. Gayundin si KD na sa ikalawang pagkakataon ay nominado muli matapos na makaligtas sa eviction ng nakaraang linggo.

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Read also

Madam Inutz, sinurpresa at pinasaya ang isa sa mga naging nanay-nanayan niya

Ngayon kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Ayon kay Wilbert, ito raw ang motivation niya kay Madam Inutz para pagbutihin nito ang kanyang gagawin sa pagiging isa sa mga celebrity housemates ni Big Brother.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel