Direk Lauren Dyogi ng PBB, mariin paring itinatanggi na siya si "Kuya"

Direk Lauren Dyogi ng PBB, mariin paring itinatanggi na siya si "Kuya"

- Mariin pa rin na itinatanggi ni Direk Lauren Dyogi na siya si 'Kuya' ng Pinoy Big Brother

- Marami kasi ang nagsasabi na siya ang boses sa likod ni 'Kuya' sa kilalang reality show ng Kapamilya Network

- Hindi naman daw niya umano masisisi ang mga tao na isipin ito, gayung siya ang direktor ng programa at bukod sa host, kaakibat na talaga ang kanyang pangalan ng PBB

- Aminado siyang malaking bahagi ng kanyang pagkatao ang kanyang inilaan sa programa na mahigit 15 taon nang napapanood ng mga Kapamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Makalipas ang 13 taon sa ere, mariin pa rin na itinatanggi ni Direk Lauren Dyogi na siya si "Kuya" ng Pinoy Big Brother house.

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nabanggit ng host na hanggang ngayon, kahit ilang beses nang itinanggi ni Direk Lauren na siya si 'Kuya', marami pa ring tao ang naniniwalang siya ang nasa likod ng boses na kinakausap ng mga housemates sa confession room.

Direk Lauren Dyogi ng PBB, mariin paring itinatanggi na siya si "Kuya"
Direk Lauren Dyogi (Photo: @direklauren)
Source: Instagram

"I've denied it. People will believe, people will not believe. I think the essence, I think the imprint in the beginnings of Pinoy Big Brother because I was the one 'di ba 'pag may kontrobersya ako 'yung haharap. Tapos I think 'kuya' is a good mimic. My intonation, my inflection. Because at the beginning, I was really the one in control creatively," paliwanag ng direktor ng programa.

"Malaki po 'yung parte ng pagkatao ko na napupunta kay kuya at napupunta doon sa programa because I was really in control."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"And at that time, It was really my baby, what I breathe day in day out," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Toni Gonzaga na mapapanood sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studio:

Si Direk Lauren Dyogi ay Production Director ABS-CBN Entertainment at Head Director ng Pinoy Big Brother mula nang mapanood ito sa telebisyon noong Agosto ng 2005.

Marami ang naging tagasubaybay ng Pinoy Big Brother lalo na at marami sa mga kilalang artista ngayon ay mula sa naturang programa.

Kaya naman talagang kaabang-abang ang pagbubukas muli ng 'Bahay ni Kuya' sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition Season 10. Ilan sa mga inanunsyo nang official housemates at sina Alexa Ilacad, Alyssa Valdez, Karen Bordador at maging si Madam Inutz.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel