PBB ex-housemate Franki Russel, sasabak sa Miss Universe UAE

PBB ex-housemate Franki Russel, sasabak sa Miss Universe UAE

- Sasabak sa Miss Universe UAE ang dating PBB housemate na si Franki Russel

- Sa kanyang Instagram post, makikitang handa na si Franki para sa pageant na magsisimula sa November 7

- Si Russel ay bahagi ng 'PBB Otso' noong 2018 at naging bahagi rin siya ng 'FPJ And Probinsyano'

- Hindi pa man nagsisimula ang pageant, pinasalamatan na agad ni Franki ang mga nagparamdam sa kanya ng suporta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sasabak naman sa beauty pageant ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Franki Russel.

Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Franki sa kanyang Instagram ang kanyang paghahanda para sa pagsali sa Miss Universe UAE.

PBB ex-housemate Franki Russel, sasabak sa Miss Universe UAE
PBB ex-housemate Franki Russel, sasabak sa Miss Universe UAE (@missfranki)
Source: Instagram

Kasalukuyang nasa Dubai si Franki ang PBB Otso housemate na isa sa 300 aspiring beauty queens na nakapasa para sa kauna-unahang Miss Universe United Arab Emirates.

Read also

PBB housemate Brenda Mage, nakipagsabayan ng 'Granada walk' kay Samantha Bernardo

Sa kanyang Twitter, nagpakita na agad ng pasasalamat si Franki sa mga nagpaparamdam sa kanya ng suporta sa bagong adventure ng kanyang buhay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"It may not be the flag you prefer but I am also excited because this particular pageant represents a lot more than that"
"To those who have shown their support, I see you and I feels so blessed."

Bukod sa PBB Otso, naging bahagi rin si Franki ng FPJ’s Ang Probinsyano kung saan nakasama rin ang PBB housemate na si Diana Mackie.

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga kilalang mga artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Dimples Romana, may makulit na birthday greeting sa kaibigang si Bea Alonzo

Kamakailan, nasabi ni Ivana Alawi sa interview sa kanya ni Ogie Diaz na papayag siyang maging housemate ni kuya. Inalala niyang isa siya sa mga pumila noon para sa audition ngunit hindi pinalad na maging isang housemate ni Kuya.

Sa interview ni Toni Gonzaga sa direktor at head ng Pinoy Big Brother na si Lauren Dyogi, mariin pa rin niyang itinanggi na siya ang misteryosong si 'Kuya' na hindi nagpapakita ng mukha.

Pinasalamatan din ni Direk Lauren si Toni na bagaman at malaki ang nabawas sa salary nito ay tinanggap pa rin ang pagiging isa sa mga host ng Pinoy Big Brother na tumatak na sa mga Pilipino.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel