Dimples Romana, may makulit na birthday greeting sa kaibigang si Bea Alonzo

Dimples Romana, may makulit na birthday greeting sa kaibigang si Bea Alonzo

- Hindi nagpahuli si Dimples Romana sa makulit na birthday greeting niya para sa kaibigang si Bea Alonzo

- Sa kanyang Instagram post, makikita ang cute na photo ni Bea kasama ang boyfriend na si Dominic Roque

- Ngunit sa naturang larawan, makikita rin na kasama nila ang isa pang 'Bea' na si Beatrice Saw

- Marami nang malalapit sa puso ni Bea ang nagbigay sa kanya ng mensahe para sa kanyang 34th birthday

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang makulit ngunit nakakaantig ng pusong birthday ang ibinahagi ni Dimple Romana para sa kaibigan niyang si Bea Alonzo.

Nalaman ng KAMI na sinamahan pa ni Dimples ng cute photo ni Bea ang kanyang greeting.

Sa nasabing larawan, makikitang kasama ni Bea ang boyfriend na si Dominic Roque at isa pang "Bea" na si Beatrice Saw.

Read also

PBB ex-housemate Franki Russel, sasabak sa Miss Universe UAE

Dimples Romana, may makulit na birthday greeting sa kaibigang si Bea Alonzo
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Facebook

"Don’t worry kinausap ko na si @beatriz_saw... Sabi ko, Wala na syang pag asa kay @dominicroque kaya PLEASE," ang makulit na pagbati ni Dimples sa kaibigan na nagdiriwang ng kanyang ika-34 na kaarawan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Love you Be! My prayers of love and light for all your upcoming adventures in life... Cheers to many years of friendship, random zoom dates, furniture hunting, farming and all day kulitan"

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Mula sa pagiging isang Kapamilya, isa na ngayong Kapuso si Bea.Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Read also

Bea Alonzo, ibinahagi ang tatlong bagay na gusto niyang gawin kasama ang si Dominic Roque

Sa kanyang kaarawan ngayong taon, isa pa rin ang kanyang dating ABS-CBN big boss na si Carlo Katigbak sa mga nagbigay ng birthday greeting sa kanya. Biniro pa siya nito na 'kumanta' muli gayung dalawang beses pa lamang umano niyang narinig na kumanta si Bea. Una ay noong kasama nito si Anne Curtis at ang ikalawa ay isa sa mga birthday parties niya.

Masaya rin ngayon ang buhay pag-ibig ni Bea lalo na nang isapubliko na nila ni Dominic Roque ang kanilang relasyon. Marami ang natuwa sa dalawa lalo na at kitang-kita ang pagmamahalan ng mga ito sa mga larawan nilang magkasama.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel