Kim Molina, aminadong 'di pa rin makapaniwalang friend sila ni Sarah G; "Nakaka-amaze"

Kim Molina, aminadong 'di pa rin makapaniwalang friend sila ni Sarah G; "Nakaka-amaze"

- Naikwento ni Kim Molina sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga na hanggang ngayon, 'di pa rin siya naniniwala sa naabot na niya sa kanyang career

- Pinangarap lamang daw niyang maging isang tanyag na singer subalit nagkaroon pa ng bonus at ito ay ang pagiging artista

- Hindi pa rin siya makapaniwalang nakaktrabaho na rin niya ang mga dati lamang niyang napapanood na singer at artista

- Isa na rito si Sarah Geronimo kung saan naiiyak pa raw siya pag naite-text pa siya nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa Toni Gonzaga Studios ngayong Nobyembre 14, tampok ang interview ni Toni kay Kim Molina.

Nalaman ng KAMI na doon naikwento ni Kim kung paano nagsimula ang kanyang hilig sa pagkanta na malaking impluwensiya ang kanyang ama.

Bata pa lamang si Kim ay sanay na sa pagharap sa tao mula sa mga entablado na kanyang pinagtatanghalan.

Read also

Kim Molina, 'di napigilang maiyak sa bangko nang malamang hit ang movie niyang 'Jowable'

Kim Molina, aminadong 'di pa rin makapaniwalang friend sila ni Sarah G; "Nakaka-amaze"
Kim Molina (@kimmolina)
Source: Instagram

At dahil sa angking galing, nanalo siya sa ilang mga singing contest at mabilis na natatanggap sa mga auditon mapa-kantahan man o maging sa teatro kung saan siya nakilala nang husto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Kim, maging singer lang daw talaga ang pinangarap niya subalit nagtuloy-tuloy na rin ang kanyang karera sa pag-aartista.

Halos hindi makapaniwala si Kim sa naabot ng kanyang career at isa na rito ay ang pagiging kaibigan ng mga singer at artista dati lamang niyang pinapanood.

Tulad na lamang ng pagkakaibigan nila ng Popstar Royalty, Sarah Geronimo.

Minsan pa raw, naiyak talaga siya nang i-text siya ni Sarah.

"'Pag kunwari magti-text si Ate Sarah, may time na umiyak ako nakita ni Jerald, 'O ba't ka umiiyak? Nag-text si Sarah Geronimo," makulit na naikwento ni Kim.

Read also

Jennylyn Mercado, ikinuwentong dinugo noon sa set ng 'Love, Die, Repeat'

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ni Toni Gonzaga:

Si Kimverlie "Kim" Soriano Molina, known as Kim Molinao mas kilala bilang si Kim Molina ay isang Filipina singer at actress na unang nakilala sa husay ng pagganap niya bilang si Aileen sa long-running Filipino stage musical na 'Rak Of Aegis' , Savannah sa drama series 'Kadenang Ginto', Peng sa digital iWant movie na 'MOMOL Nights' , at Elsa sa mainstream film na #Jowable kung saan isa na siya sa mga box-office actress dahil tumabo ang kita ng pelikula ng Php100 million.

Bukod kay Kim, ilan din sa mga artistang na-interview ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel ay sina Herlene 'Hipon Girl' Budol, K Brosas at marami pang iba.

Naging kontrobersyal naman ang kanyang mga naging interview sa mga politicians tulad nina Mayor Isko Moreno, dating Senator Bongbong Marcos at Senator Manny Pacquiao na lahat na ngayon ay pawang mga presidential candidates sa Eleksyon 2022.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel