Mayor Isko Moreno, tatakbo bilang Pangulo ng bansa sa Eleksyon 2022

Mayor Isko Moreno, tatakbo bilang Pangulo ng bansa sa Eleksyon 2022

- Isa na rin sa tatakbo sa pagka-pangulo ng bansa sa Eleksyon 2022 ang alkalde ng Maynila na si Isko Moreno

- Kinumpirma ito ng kanyang campaign manager na si Lito Banayo

- Magiging running mate ni Mayor Isko ang kilalang doktor na si Willie Ong na tumakbo sa pagka-senador noong 2019

- Gaganapin umano ang opisyal na deklarasyon ng kanyang pagtakbo sa Setyembre 22

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tatakbo bilang Presidente ng Pilipinas ang kasalukuyang aklade ng Lungsod ng Maynila na si Mayor Isko Moreno.

Nalaman ng KAMI na kinumpirma ito ng kanyang campaign manager na si Lito Banayo.

Mayor Isko Moreno, tatakbo bilang Pangulo ng bansa sa Eleksyon 2022
Mayor Isko Moreno (Photo credit: Isko Moreno Domagoso)
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng Rappler, gaganapin ang pormal na deklarasyon ng kanyang pagtakbo sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng bansa sa Setyembre 22, Miyerkules, sa Baseco Compound.

Ayon sa News5, sinasabing ang kanyang magiging running-mate sa pagiging Bise Presidente ay ang kilalang doktor na tumakbo noon sa pagka-senador na si Dr. Willie Ong.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang ang campaign manager ngayon ni Isko na si Banayo ay sinasabing malaki ang naitulong noon sa kampanya ng kasalukuyang presidente na si Rodrigo Duterto noong 2016 Elections.

Sa kanyang Facebook post ngayong Setyembre 21, ibinahagi rin niya ang isang paid advertisment na sinasabing pahiwatig umano ni Isko sa kanyang mga susunod na plano sa pamunuan naman ang Pilipinas.

Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.

Una nang naiulat ng KAMI ang reaksyon ni Mayor Isko patungkol sa pagiging isa niyang 'Seiko baby'. Aniya, wala siyang nakitang masama sa pinasok na trabaho noon gayung wala siyang pinerwisyong tao dahil dito.

Read also

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Sa interview rin sa kanya ni Toni Gonzaga, sinabi ni 'Yorme' na tila nakikita na niya ang sarili na magreretiro na sa edad na 50. Nilarawan niya kasi ang sarili na parang isang kotse na gastada na at kailangan nang i-overhaul.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica