Libro tungkol sa buhay ni Mayor Isko Moreno, 'most popular' ngayon sa mga bookstores
- Usap-usapan ngayon ang libro tungkol sa talambuhay ni Mayor Isko Moreno
- Masaya niyang ibinahagi ang post ng may-akda ng libro na may pamagat na 'Yorme' na isa umano sa mga popular na libro ngayon
- Ayon sa may-akda na si Yvette Fernandez, isang kaibigan ang nakakita umano ng kanyang sinulat na libro na nakalagay sa 'most popular' ng isang bookstore
- Dahil dito maging si Mayor Isko Moreno ay natuwa at marami ang interesado na malaman ang mga pinagdaanan niya sa buhay bago maging isa sa mga tinitingalang alkalde ng kanyang henerasyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
'Most popular' ngayon sa mga bookstores ang libro tungkol sa talambuhay ni Manila Mayor Isko Moreno.
Nalaman ng KAMI na mismong si Mayor Isko ang nagbahagi ng post kung saan makikitang nasa 'most popular' ang libro tungkol sa kanya.
Ayon sa may akda ng aklat na si Yvette Fernandez, Isang kaibigan niya ang nagpadala ng larawan ng kanyang aklat ukol sa alkalde ng Maynila.
Samantala, sa post naman mismo ni Mayor Isko, nagpakita siya ng pagpapahalaga sa mga taong nagbigay interes tungkol sa kanyang talambuhay.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Nakakatuwa naman po."
Sinamahan pa kasi ito ng mahusay na ilustrasyon ni Ray Bunga kaya naman mapabata o matanda ay maeengganyong magbasa.
Si Francisco "Isko" Moreno Domagoso ay isa sa mga sikat na aktor sa Pilipinas. Siya na ngayon ang ika-27 na naging alkalde ng Lungsod ng Maynila. Kilala siya sa tawag na 'Yorme' ng kanyang mga tagasuporta sa kanilang lungsod.
Una nang naiulat ng KAMI ang reaksyon ni Mayor Isko patungkol sa pagiging isa niyang 'Seiko baby'. Aniya, wala siyang nakitang masama sa pinasok na trabaho noon gayung wala siyang pinerwisyong tao dahil dito.
Sa interview rin sa kanya ni Toni Gonzaga, sinabi ni 'Yorme' na tila nakikita na niya ang sarili na magreretiro na sa edad na 50. Nilarawan niya kasi ang sarili na parang isang kotse na gastada na at kailangan nang i-overhaul.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh