Ate Gay, masyado lang umano na-provoke kaya niya nabanggit ang presyo ng tulong ni Vice Ganda

Ate Gay, masyado lang umano na-provoke kaya niya nabanggit ang presyo ng tulong ni Vice Ganda

- Sa kanyang Instagram post ay nagpaliwanag si Ate Gay kung bakit niya naipost ang halaga ng perang itinulong sa kanya

- Kabilang na nga dito ang tulong ni Vice Ganda sa kanya ng 20,000 noong panahong nasa banig siya ng karamdaman

- Inalmahan ito ni Vice Ganda lalo at may mga netizens na nagkomento kaugnay sa halaga na kanyang naitulong

- Muling binanggit ni Ate Gay ang kanyang taos-pusong paghingi ng dispensa sa naging epekto ng kanyang nagawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nailabas ni Vice Ganda ang kanyang saloobin kaugnay sa isang taong kanyang natulungan na hindi na niya pinangalanan. Nabanggit niya ito habang nag-uusap sila ng kanyang co-host na si Kim Chiu sa ReiNanay Segment ng It's Showtime.

Ate Gay, masyado lang umano na-provoke kaya niya nabanggit ang presyo ng tulong ni Vice Ganda
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Kasunod ng mga naging pahayag ni Vic Ganda, isang mensahe ang ibinahagi ni Ate Gay kung saan nilinaw niyang na-provoke siya ng ilang bashers na nagsabi na sana ay hindi na lang siya tinulungan ni Vice at hinayaan na lang siyang mamatay.

Read also

Manny Pacquiao, tatakbo bilang presidente ng bansa; inilatag ang '22-round agenda'

Matatandaang na-ospital si Ate Gay ilang buwan na ang nakakalipas at nangailangan ng tulong pinansiyal.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's showtime.

Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Matatandaang muling naging kontrobersiyal si Vice Ganda at karelasyon nitong si Ion Perez kamakailan matapos madawit ang mga ito sa patutsada ni Buknoy Glamurrr at kaibigan nitong si Gabo laban kay Awra Briguela.

Nais paalalahanan ng KAMI ang aming tagasubaybay na kaakibat ng ating kalayaan sa pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa batas lalo na kung ang pahayag ay makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay iwasan ang paggamit ng mga mapanirang pahayag. Palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, at wala ding mali sa pagpapahayag ng saloobin ukol sa isang paksa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel