Toni Talks team ni Toni Gonzaga, nagbigay paalala sa publiko: "Register now to vote"

Toni Talks team ni Toni Gonzaga, nagbigay paalala sa publiko: "Register now to vote"

- Nagbigay paalala ang 'Toni Talks team' ni Toni Gonzaga patungkol sa pagpaparehistro sa darating na Halalan 2022

- Sa 1-minute video ng nasabing YouTube channel, ipinakita ang ilan sa mga nakapanayam ni Toni

- Lalong-lalo na ang mga nagpahayag ng kanilang pagtakbo sa iba't ibang posisyon para sa eleksyon sa susunod na taon

- Sinasabing naibahagi na ng programa ang mga saloobin at nais na maisapubliko ng mga kakandidato, kaya naman nasa tao na kung sino ang sa palagay nila ang dapat na mahalal sa susunod na eleksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinasalamatan ni ng actress at TV host at ngayo'y isa na ring YouTuber na si Toni Gonzaga ang mga naging panauhin niya sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studo lalo na sa kanyang programang 'Toni Talks.'

Nalaman ng KAMI na karamihan sa mga ito ay nagpaunlak ng panayam kay Toni ang pawang mga kakandidato sa iba't ibang posisyon para sa darating na Eleksyon 2022.

Read also

Carlo Aquino, idinetalye ang role sana niya sa 'Squid Game': "Ito 'yung in-audition ko!"

Toni Talks team ni Toni Gonzaga, nagbigay paalala sa publiko: "Register now to vote"
Toni Gonzaga (Photo: Toni Gonzaga Studio)
Source: Facebook

Ayon pa sa 1-minute video na naibahagi ng 'Toni Talks' team, magsilbi umanong tulong ang naging series sa mga tao upang maisapuso at isip nila kung sino nga ba ang nararapat na maluklok bilang mga pinuno sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas.

"Now that you've heard their stories, it's time for your voice to be heard," ang paalala ng Toni Talks team.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Kamakailan, naging matunog ang pangalan ni Toni sa social media matapos ang kontrobersyal niyang panayam kay Bongbong Marcos sa kanyang YouTube channel na 'Toni Gonzaga Studios'.

Read also

Toni Fowler, hands-on sa preparasyon para sa sorpresa ni Rob Moya

Isang linggo lamang matapos ito, nakapanayam naman ni Toni si Senator Manny Pacquiao. Ito ay matapos na ihayag ni Pacquiao ang desisyon niya na tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa gaganaping eleksyon sa taong 2022.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica