Toni Fowler, hands-on sa preparasyon para sa sorpresa ni Rob Moya

Toni Fowler, hands-on sa preparasyon para sa sorpresa ni Rob Moya

- Mismong si Toni Fowler ang naging punong-abala sa preparasyon para sa sorpresa ng dati niyang karelasyon na si Rob Moya para sa nililigawan nitong si Jen

- Kasama ang kanyang ibang kasamahan sa bahay at ang kanyang anak na si Tyronia, inayos nila ang hugis puso mula sa mga rose petals

- Marami ding balloons ang kanilang inilagay sa isang bahagi ng condo na kanilang tinitirhan

- Abot-abot naman ang pasasalamat ni Rob at maging ni Jen sa ginawang ito ng Toro Family para sa kanila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Habang nag-aayos ng petals ng bulaklak na ginawa nilang hugis-puso, inamin ni Toni Fowler na nagiging emosyonal siya at masaya para sa dating karelasyon na si Rob Moya dahil sa pagkakaroon nito ng bagong pag-ibig.

Toni Fowler, hands-on sa preparasyon para sa sorpresa ni Rob Moya
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Mismong sa condo na tinitirhan ng Toro family nila inayos ang sorpresa ni Rob para sa kanyang nililigawan.

Read also

Rob Moya, nakaharap na sina Tatay Elon at Tito Vince sa ToRo Condo

Ayon kay Toni, masaya siyang masaya na rin si Rob dahil aminado siyang nasaktan niya rin ito.

Maging ang anak na si Tyronia ay tumulong sa paghahanda para sa sorpresa. Lingid umano sa kaalaman ni Jen ang sorpresang ito dahil inakala nitong simpleng meet-up lang ang kanilang gagawin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nauna nang sinabi ni Toni na naipagpaalam na ni Rob sa kanya at maging kay Tyronia ang kanyang panliligaw.

Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Read also

Bagong girlfriend ni Rob Moya, sinamahan ni Toni Fowler magpaganda

Gayunpaman, nilinaw ni Vince na hindi siya mapapagod at susuko na maghintay kung kailan magiging handa si Toni na pumasok sa isang relasyon matapos silang magkahiwalay ni Rob.

Nabanggit din kamakailan ni Toni ang tungkol sa pagkakapatawaran nila ng tunay na ama ni Tyronia na tinatawag nilang Tatay Elon.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel