Bagong girlfriend ni Rob Moya, sinamahan ni Toni Fowler magpaganda

Bagong girlfriend ni Rob Moya, sinamahan ni Toni Fowler magpaganda

- Sa bagong vlog ni Toni Fowler, ibinahagi niyang na-bash umano ang bagong girlfriend ni Rob Moya

- Tinawag umano ito ng ibang "gilagid girl" dahil nakikita ang kanyang gilagid kapag ngumingiti ito

- Kaya naman, pinayuhan ni Toni si Jen na ipaayos nila ang kanyang ngipin upang hindi na ito ma-conscious

- Sinamahan niya ito sa dentistang nag-aayos at nag-aalaga sa kanyang ngipin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling pinatunayan ni Toni Fowler na walang problema sa kanyang makipagkaibigan sa kanyang ex at maging sa bagong karelasyon nito. Sa kanyang bagong video na ibinahagi ay sinamahan niya ang kasalukuyang girlfriend ni Rob Moya na si Jen.

Bagong girlfriend ni Rob Moya, sinamahan ni Toni Fowler magpaganda
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Kwento ni Toni, kahit maayos ang kanilang pagkakaibigan, hindi mapigilang mabatikos si Jen at isa sa pinupuna umano sa kanya ay ang kanyang gilagid na nakikita sa tuwing siya ay tatawa o di kaya ay ngumiti. Tinatawag umano siya ng bashers na "gilagid girl."

Read also

Dating OFW na sinuwerte sa amo, pinamanahan pa siya ng milyon-milyong salapi

Kaya naman, pinayuhan ni Toni si Jen na ipaayos nila ang kanyang ngipin upang hindi na ito ma-conscious. Sinamahan niya ito sa dentistang nag-aayos at nag-aalaga sa kanyang ngipin.

Habang sila ay magkakasama, mas nag-uusap pa sina Toni at Jen at hindi nila sinasali si Rob sa kanilang tsikahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ang procedure na ginawa upang mabawasan ang nakalabas na gilagid ni Jen, abot-abot ang tuwa at pasasalamat nito sa dentista at kay Toni.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuiber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Kylie Padilla, nilinaw na hindi si AJ Raval ang third party sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Naging usap-usapan din ang pagtulong niya sa preparasyon para sa proposal ng kanyang dating karelasyon na si Rob Moya sa bago nitong girlfriend.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel