Kylie Padilla, nilinaw na hindi si AJ Raval ang third party sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica

Kylie Padilla, nilinaw na hindi si AJ Raval ang third party sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica

- Pinasalamatan ni Kylie Padilla ang kanyang mga tagahanga sa suportang binibigay ng mga ito sa kanya

- Kasunod nito ay natanong sa kanya kung totoo bang si AJ Raval ang 3rd party sa kanila ni Aljur

- Minabuti niyang linawin ito at diretsahang sinabing hindi ito ang third party na naging sanhi ng kanilang paghihiwalay

- Ayon pa sa aktres, gusto niya na mag-move on at aniya ay naapreciate niya ang lahat ng support ng kanyang mga fans

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa mga screenshots ng pakikipag-usap ni Kylie Padilla sa kanyang mga fans sa isang group chat, pinasalamatan niya ang mga ito sa pagsuporta nila sa kanya sa gitna ng kanyang pinagdadaanan.

Kylie Padilla, nilinaw na hindi si AJ Raval ang third party sa paghihiwalay nila ni Aljur Abrenica
Kylie Padilla (@kylienicolepadilla)
Source: Instagram

Diretsahan namang sinagot ni Kylie ang tanong kung totoong si AJ Raval ang third party sa paghihiwalay nilang mag-asawa.

Nilinaw niyang hindi si AJ ang third party. Dagdag pa niya, gusto na niya mag-move on. Muli niyang pinasalamatan ang mga fans at sinabing naapreciate niya ang mga suporta mula sa kanyang mga fans.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Matatandaang nauna na ring sinabi ni Kylie na walang isyu kung makikipagdate si Aljur sa iba dahil Abril pa sila naghiwalay at nakapag-usap na sila kaugnay sa mga bagay-bagay pagdating sa kanilang posibleng pakikipagrelasyon sa iba.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Kylie Padilla ay isang Kapuso artist na nakilala sa kanyang pagganap sa ilang serye sa telebisyon kagaya ng Joaquin Bordado, The Good Daughter at Adarna. Isa sa pinakasumikat na seryeng kanyang ginawa ay ang Engcantadia noong 2016 kung saan gumanap siya bilang si Sang’gre Amihan.

Matatandaang naunang lumabas ang balitang nagkakaproblema sina Kylie at asawa nitong si Aljur Abrenica. Nanatiling tahimik si Kylie kaugnay sa isyu ngunit sa isang panayam ay inamin ni Aljur na sinusubukan nilang ayusin ang kanilang pagsasama.

Hindi na nila naayos ang kanilang probvlema at naibahagi ni Robin Padilla sa isang panayam na hiwalay na sina Kylie at Aljur at inamin din nitong 3rd party ang dahilan.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel