Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

Manny Pacquiao, kinumpira ang pamamahagi ng tulong; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"

- Inamin ni Senator Manny Pacquiao na namahagi siya ng Php1,000 at mga grocery items nang bumisita siya sa Batangas

- Nasa 7,000 na indibidwal ang nabahaginan ng biyaya mula sa senador na tatakbong presidente ng bansa sa Eleksyon 2022

- Sa kabila ng sinasabi niyang "charity work", paiimbestigahan pa rin ni DILG secretary Eduardo Año ang naturang kaganapan na sinasabing nag-violate sa safety protocols na dapat ay sinusunod pa rin hanggang ngayon

- Depensa ni Pacquiao sa alegasyong 'vote-buying' ang ginawang pamimigay ng tulong, 2002 pa raw niya ginagawa ang pagtulong, may eleksyon man o wala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinumpirma ni Senator Manny Pacquiao na namahagi sila ng Php1000 at grocery items sa mga biktima ng kalamidad kamakailan sa Batangas.

Nalaman ng KAMI na nasa 7,000 na indibidwal ang nabigyan ng tulong ni Pacquiao sa naturang pagtitipon.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Manny Pacquiao, inaming namahagi ng pera at groceries; nilinaw na bahagi ito ng "charity work"
Photo: Manny Pacquiao
Source: Facebook

Ngunit sa kabila ng sinasabing 'charity work', paiimbestigahan pa rin ito umano ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año gayung nakatanggap umano sila ng ulat ng paglabag ng safety protocols sa kaganapan.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nilinaw ni Sen. Manny na mayroong mga pulis sa lugar na mayroon pang mga hawak na placard bilang paalala sa mga dumadalo patungkol sa social distancing. Subalit sadyang marami umanong tao ang dumagsa sa pagtitipon lalo na iyong mga umaasang mababahaginan ng tulong mula kay Pacquiao.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"It happened lang talaga na sa dami ng taong pumunta… dun mo makikita na hirap na hirap ang mga tao. Nagugutom sila. Kailangan nila," pahayag ni Sen. Manny.

Isa rin sa mga nilinaw ni Pacquiao patungkol sa akusasyon na 'vote buying' umano ang pamamahagi niya ng pera kasama ng mga pagkain at iba pang grocery items.

Read also

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

Binigyang diin ni Sen. Manny na ang paggawa niya ng "charity work" at "donation drive" ay nagsimula noong taong 2002, may eleksyon man o wala.

"'Yung pamimigay ng pera at bigas, 2002 ko pa ginagawa 'yan. Noon hanggang ngayon, may eleksyon man o walang eleksyon, talagang habit ko nang mamigay 'pag nakita ko na maraming nangangailangan... nagugutom,"

"Anong gusto nila, mamigay ako ng pera o magnakaw ako?," dagdag pa niya.

Narito ang video na nagpapakita ng ilang mga kaganapan sa nasabing pagtitipon:

Si Manny "Pacman" Pacquiao ay isang eight-division world boxing champion, at tinaguriang "one of the greatest boxers in history". Pinasok din niya ang pulitika kung saan una siya naging congressman at ngayon, isa siya sa mga senador ng bansa. May 10, 2000 nang ikasal siya kay Jinkee at nabiyayaan sila ng limang anak na sina Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel.

Read also

Guro, bumalik pa rin sa pagtuturo sa kabila ng pinagdaanan sa pagtanggal ng isang mata

Sa kanyang kumpirmasyon ng pagtakbo sa pagka-Pangulo, inihanda na rin niya ang tinawag niyang '22-round agenda' sa naging interview sa kanya ni Toni Gonzaga na mapapanood sa kanyang YouTube channel.

Sa naturang interview, nabanggit na rin niya ang pagreretiro sa boxing upang makatutok din 'di umano sa pagtakbo niya bilang pangulo ng bansa.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica