Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house

- Sa pagpasok pa lang nila sa bahay ni Kuya, napasabak na agad sa unang task sina Madam Inutz, TJ Valderrama at Brenda Mage

- Naatasan sila na mamili ng mga kagamitan nila sa bahay gayung agad nilang napansin na wala pa silang mga gamit sa loob

- Maging ang mga kama nila ay wala pang kutson na kinakailangan pa nilang bilhin sa kanilang unang task para mayroon silang magamit

- Pinakatutukan ng publiko ang muling pagbubukas ng bahay ni Kuya gayung nag-trending ito sa Twitter Philippines

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napasabak agad sa unang task sina Madam Inutz, TJ Valderrama at Brenda Mage sa pagpasok pa lang nila sa Pinoy Big Brother house noong Oktubre 16.

Nalaman ng KAMI na ang tatlo ang naatasang mamili ng mga kagamitan sa bahay ni "Kuya" gayung kapansin-pansing kulang at halos wala pa talaga itong mga kagamitan.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

Madam Inutz, TJ at Brenda Mage, napasabak sa unang task sa loob ng PBB house
Pinoy Big Brother Season 10 housemates (@PBBabscbn)
Source: Twitter

Maging ang kanilang mga kwarto ay wala pang beddings kaya naman isa talaga ito sa dapat nilang 'bilhin' sa unang task na iniatang sa kanila ni big brother.

100 na segundo lang binigay sa kanila ni Kuya gamit ang mga 'big coins' na siyang dala nila sa pagpasok ng PBB house.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinakatutukan talaga ng publiko ang muling pagbubukas ng Pinoy Big Brother house lalo na at celebrity edition ang kanilang Season 10.

Narito ang bahagi ng pagsasagawa ng tatlo ng kanilang task na naibahagi sa YouTube channel ni Jesselyn Roma:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid

Noong Oktubre 6, isa si Madam Inutz sa mga kumpirmadong official celebrity housemate sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya.

Read also

PBB housemate Brenda Mage, nakipagsabayan ng 'Granada walk' kay Samantha Bernardo

Samantala, kamakailan ay nasabi ni Ivana Alawi sa interview sa kanya ni Ogie Diaz na papayag siyang maging housemate ni kuya. Inalala niyang isa siya sa mga pumila noon para sa audition ngunit hindi pinalad na maging isang housemate ni Kuya.

Sa interview ni Toni Gonzaga sa direktor at head ng Pinoy Big Brother na si Lauren Dyogi, mariin pa rin niyang itinanggi na siya ang misteryosong si 'Kuya' na hindi nagpapakita ng mukha.

Pinasalamatan din ni Direk Lauren si Toni na bagaman at malaki ang nabawas sa salary nito ay tinanggap pa rin ang pagiging isa sa mga host ng Pinoy Big Brother na tumatak na sa mga Pilipino.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel