Jennylyn Mercado, ikinuwentong dinugo noon sa set ng 'Love, Die, Repeat'

Jennylyn Mercado, ikinuwentong dinugo noon sa set ng 'Love, Die, Repeat'

- Ibinahagi ni Jennylyn Mercado ang nangyari noon sa taping ng "Love, Die, Repeat"

- Ikinuwento ni Jen gayundin ng kanyang fiancé na si Dennis Trillo ang mga nangyari nang makumpirma nilang nagdadalang-tao ang aktres

- Dala umano ng ilang mga ginagawa ni Jen para sa kanyang role, hindi niya inaasahang makaapekto ito sa kanyang pagbubuntis

- Doon nagdesisyon na sila na patigilin na sa pagtatrabaho ang aktres upang maging maayos ang pagbubuntis nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kauna-unahang pagkakataon, ikinuwento nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang pagsisimula ng bagong yugto ng kanilang buhay sa pagdadalang-tao ng aktres.

Sa vlog ni Jennylyn, ibinahagi ng Kapuso couple ang naganap buhat ng malaman nilang mabibiyayaan na sila ng baby na hindi nakailangan pang dumaan sa una nilang plano na surrogacy.

Jennylyn Mercado sa naganap noon sa 'Love, Die, Repeat': "'Di ko ine-expect na magbi-bleed ako"
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (Photo from Jennylyn Mercado YouTube channel"
Source: Instagram

Kasalukuyan noong nasa taping si Jennlyn ng 'Love, Die, Repeat' at nakararamdam na siya ng kakaiba sa kanyang katawan lalo na ang kanyang emosyon.

Read also

KD Estrada, nag-walk out nang maging nominado muli sa ikatlong pagkakataon

"Pero sa bigat ng mga eksena ko, napaka-emosyonal, tapos 'yung physical requirements nung mga eksena... Hindi ko ine-expect na magbi-bleed ako," buong tapang na ikinuwento ni Jennylyn.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa nangyari, aminadong nag-alala ang kanyang fiancé na si Dennis Trillo noong natanggap pa lamang nila ang text ng OB ni Jen tungkol sa nangyari.

"kami nagdesisyon na pauwiin si Jen, tigil muna 'yung trabaho para makauwi na siya sa bahay at mas maalagaan siya 'don"

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel ni Jennylyn Mercado:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Read also

Kim Molina, aminadong 'di pa rin makapaniwalang friend sila ni Sarah G; "Nakaka-amaze"

Si "Jen" ang longtime girlfriend at ngayo'y fiancée na siya ni Dennis Trillo. Mayroon nang isang anak na lalake si Jen na si Alex Jazz sa dating nakarelasyon sa showbiz na si Patrick Garcia.

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Oktubre 29, in-upload nila ang YouTube video ng engagement nila ni Dennis Trillo matapos ang interview sa kanila ng 24 Oras kung saan naman nila kinumpirma ang balitang buntis si Jen.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel