Maricel Soriano, ibinahagi ang kanyang saloobin sa ilang mga artistang naktrabaho niya

Maricel Soriano, ibinahagi ang kanyang saloobin sa ilang mga artistang naktrabaho niya

- Sa kanyang bagong vlog ay isa-isang binahagi ni Maricel Soriano ang kanyang saloobin sa mga artistang kanyang mga nakatrabahong artista

- Ilan sa mga ito ay ang kanyang mga naging leading men sa mga pelikula at mga seryeng kanyang ginawa

- Nabahagi niya rin ang magagandang katangian ng mga artistang ito at binahagi niya rin kung sino ang mga gusto niya pang makatrabaho

- Si Maricel ay nakilala sa kanyang husay sa pag-arte at tinagurong Diamond Star ng Philippine showbiz

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang bagong YouTube video ay inilabas ni Maricel Soriano ang kanyang opinyon at pananaw sa mga artistang kanyang nakasama noon sa pelikula at telebisyon. Ilan sa kanila ay naging leading man niya din.

Maricel Soriano, pinangalanan ang mga artistang gustong-gusto niya makatrabaho
Maricel Soriano (@maricel.soriano.official)
Source: Instagram

Para sa aktor na si Christopher de Leon, aniya may respeto iyon at palagi siyang tinatanong kung saan siya komportable. Aniya saludo siya sa pagka propesyonal nito.

Read also

Basel Manadil, pinaaga ang Pasko sa pamamahagi ng biyaya sa mga street vendor

Para naman sa aktor na si Cesar Montano, wala umano itong ginawa kundi patawanin siya ng patawanin kapag nagkakatrabaho sila.

Bilib na bilib naman siya kay Albert Martinez sa husay nito. Aminado naman siyang fan siya ni Aga Muhlach dahil sa husay nito sa pag-arte.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Panuorin ang kabuoan ng video niya dito:

Narito ang reaksiyon ng kanyang viewers:

Walang itulak kabigin sa mga leading mens lahat naidala ng maayos ng Inay lahat may kilig factor!Pero MarBert yung aasahan namin na magshiship ngayon syempre walang mga problema
I remember your younger years during John and Marsha. Sarap balik balikan. Mabuti na lang may YouTube. To tell you, my daughter keeps on telling me pag nagagalit ako eh pareho daw tayo ng bibig and she will say, Ayan na si Maricel nag rarapido na ulit.

Read also

OFW na kumanta sa mall sa Dubai, nagulat nang pinalakpakan ng mga nanonood sa kanya

Back in the day when Inay has a new movie my Mom would bring me along to wach her movie or we rent a VHS just to watch your movie, Inay we lost our Mom last 2019, I would like to thank you in belhalf of my Mom because you made her happy watching you, She is a huge fan. I myself is a fan of yours. We love you Inay now and forever.

Si Maricel Soriano ay isa sa kinikilalang batikang aktres sa bansa. Kilala siya sa bansag na "The Diamond Star". Ilan sa kanyang nagawang serye at pelikula ay Mother Nanny (2006), Saan darating ang umaga? (1983) at Dahas (1995). Ikinasal siya sa aktor na si Edu Manzano noong 1989.

Kamakailan ay nakasama si Maricel sa vlog ng kanyang pamangkin na si Meryll Soriano. Kinaaliwan ang kanilang ibinahaging TikTok video.

Hindi naitago ni Maricel ang kanyang pagkagiliw sa dalawang apo sa pamangking si Meryll.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel