Anji Salvacion, muling naging nominado dahil umano sa 'immaturity'

Anji Salvacion, muling naging nominado dahil umano sa 'immaturity'

- Si Anji Salvacion ang nakakuha ng ikalawang pinakamataas na puntos sa ikaapat na nomination night ng Pinoy Big Brother Season 10

- Kapansin-pansin ang rason ng mga kapwa niya housemate na pawang ang kanyang pagiging immature ang naging dahilan sa pagbibigay sa kanya ng dalawang puntos

- Mapa-babae o lalaking housemate ay napapansin umano ang katangian na ito ni Anji

- Samantala si Kyle naman ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa nominasyon kung saan ang kanyang pagiging 'hyper' at hindi pagtulong sa mga gawain ang naibigay na dahilan ng mga housemate

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Halos pare-pareho ang rason ng mga Pinoy Big brother Season 10 celebrity edition housemate kung bakit napili nilang i-nominate si Anji Salvacion.

Nalaman ng KAMI na si Anji ang ikalawa sa may pinakamataas na puntos sa nominasyon kung saan kasama niya ngayong linggo sina Kyle na nakakuha ng pinakamataas na puntos at si Alexa.

Read also

Madam Inutz, bumuhos ang luha sa birthday celebration niya sa PBB house

Anji Salvacion, muling naging nominado dahil umano sa 'immaturity'
Anji Salvacion (Photo from Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Ayon sa mga housemates, 'immature' umano kung kumilos si Anji na ang paliwanag pa ni Alexa, ginagawa na lamang daw nitong OA ang kanyang kilos para lamang mapansin nila ito.

Halos ganoon din ang komento sa kanya ng iba niyang kasama na maging ang pagiging malambing ni Anji at tila nasosobrahan narin at hindi na rin sila koportable.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon naman Alyssa na nagbigay din ng dalawang puntos kay Anji, hindi rin daw ito marunong sa timing ng pagpapaalam na minsan ay nasa kalagitnaan sila ng isang task.

Narito ang kabuaan ng mga naging kaganapan sa kanilang nominasyon:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Dating sumisisid ng barya sa pier, may masters degree na ngayon

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo at Chie Filomeno.

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang pag-walkout ni KD sa pagiging nominado niya sa ikatlong pagkakataon.

Subalit si Chie Filomeno ang na-evict sa bahay ni Kuya sa 3rd eviction night noong nakaraang Nobyembre 13 habang ligtas naman sa ikaapat na nominasyon si KD.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel