PBB housemates, pinag-usapan na ang isyung napapansin ng kanilang mga manonood

PBB housemates, pinag-usapan na ang isyung napapansin ng kanilang mga manonood

- Inupuan na mga PBB Kumunity Season 10 housemates ang umano'y mga puna ng tao sa labas tungkol sa mga napapanood ng mga ito sa kanila

- Partikular na rito ang pagiging malapit umano ng ilan sa mga housemates na sinasabing tila maituturing nang harassment

- Sa mismong mga nasa loob ng bahay ni Kuya, kinumpirma nilang walang ganoong nangyayari sa loob

- Anila, walang malisya ang pagiging malapit o malambing nila sa bawat isa lalo na at tayo'y nasa pandemya na may social distancing at limitadong kilos at paglapit sa iba

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinag-usapan na ng mga Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemates ang umano'y isyu na nakikita ng mga tao sa labas.

Nalaman ng KAMI na ito ay may kaugnayan sa pagiging malapit nila sa isa't isa na ang ilan ay tila 'harassment' na raw ang tingin ng mga nasa labas.

Read also

Shanaia Gomez at iba pang girls sa PBB, sinabing komportable at pinakamalapit sa kanilang Kuya TJ

Mismong ang mga housemates na ang nagkumpirmang walang ganoong nangyayari sa kanila sa loob.

PBB Housemates, pinag-usapan na ang isyung nakikita ng mga nasa labas: "Wala lang 'yan"
Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 housemates (Photo from Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Subalit dahil sa mga nakikita ng tao sa labas, nararapat lamang na sila raw ay mag-ingat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Eian, dapat lamang na maging alerto sila sa focus ng camera na madaling ma-screenshot ng mga tumututok sa kanila sa Kumu live.

Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit nabibigyan umano ng malisya ang ilang bagay na para sa kanila ay wala lamang.

"First of all, there's no harassment, there's no violation or there's no anything here," malinaw na sinabi ni Samantha na sinang-ayunan naman ng kanyang mga kasama.

"If you see something that you should ano, tell that person na uy, maybe don't do that na lang," ang pahayag naman mismo ni Shanaia na siyang napag-uusapan ng mga tao sa labas.

Read also

Madam Inutz, nag-react sa isyu ng harassment sa PBB: "Galit ako sa taong mapanghusga"

Gayunpaman, binigyan linaw din ng host na si Toni Gonzaga na hindi pahihintulutan ng Pinoy Big Brother ang magkaroon ng harassment sa bahay ni kuya at malinaw na rin na sa mga housemates nanggaling na walang sinoman ang nahaharass sa loob.

Narito ang kabuuan ng kanilang pinag-usapan:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo at Chie Filomeno.

Kamakailan ay naging kontrobersyal ang pag-walkout ni KD sa pagiging nominado niya sa ikatlong pagkakataon.

Subalit si Chie Filomeno ang na-evict sa bahay ni Kuya sa 3rd eviction night noong nakaraang Nobyembre 20 habang ligtas naman sa ikaapat na nominasyon si KD.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel