Shanaia Gomez at iba pang girls sa PBB, sinabing komportable at pinakamalapit sa kanilang Kuya TJ

Shanaia Gomez at iba pang girls sa PBB, sinabing komportable at pinakamalapit sa kanilang Kuya TJ

- Kinumusta ni Kuya ng Pinoy Big brother house ang kanyang mga housemates

- Tinanong niya ng hiwalay ang mga boys at girls kung gaano na sila ka-komportable sa isa't isa

- Inalam din niya sa mga girls kung kanino sila napapalapit at halos pare-pareho ang sagot ng mga ito na kina Brenda Mage at TJ Valderrama

- Maging ang girl housemate na si Shanaia na siyang napag-usapan ng mga 'taga outside world' ay sinabing parang kuya na niya ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dahil sa mainit na usapin ng nakaraang linggo ukol sa napapansin ng ilang netizens kay TJ sa pagiging malapit nito kay Shanaia, minabuti ni Kuya ng Pinoy Big Brother house na kumustahin ang mga housemates.

Nalaman ng KAMI na halos pare-pareho ang sagot ng girls nang tanungin sila ni kuya kung sino o kaninong male housemate sila pinakamalapit.

Read also

PBB housemates, pinag-usapan na ang isyung napapansin ng kanilang mga manonood

Shanaia Gomez at iba pang girls sa PBB, sinabing komportable at pinakamalapit sa kanilang Kuya TJ
Shanaia Gomez at TJ Valderrama (Photo from Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Unang sumagot si Anji na 'big big kuya' ang trato sa kanyang Kuya TJ.

Gayundin si Alexa na nilarawan pang tila may telepathic communication na sila ni TJ.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"He always tells me na I remind him of his real sister in life. Para sa'kin naman, he's the kuya I've always wished for since bata ako," dagdag pa ni Alexa.

Maging si Shanaia na siyang naging sentro ng atensyon ng netizens sa umano'y malisyong akusasyon kay TJ ay sinabing komportable naman siya at kuya rin ang tingin niya rito.

"Common denominator... Kuya TJ, Mama Brends. Caring po sila. They always come to the rescue. Parang kuya na talaga sila sa'kin so I'm really, really happy," paliwanag ni Shanaia.

Si Samantha, sinabing bukod kay Madam Inutz sina Brenda ang tumatayong parang tatay at nanay nila sa PBB house.

Read also

Samantha Bernardo, binigyan ng isang puntos si Kyle dahil sa 'di pagtulong sa gawaing bahay

Narito ang kabuuan ng kanilang mga naging pahayag:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno at TJ Valderrama.

Isa rin sa mga naging usap-usapan sa bahay ni Kuya at ang pagbibigay ni Madam Inutz ng dalawang puntos sa nominasyon kay Chie. Aniya, hindi raw ito nakatutulong sa kanila na tila pagpapaganda lamang umano ang iniintindi nito.

Si Chie ang ikatlong housemate na lumabas sa bahay ni Kuya nito lamang Nobyembre 20.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel