Angel Locsin, sinagot ang suhestyon ni Ogie Diaz na tumakbo bilang senador

Angel Locsin, sinagot ang suhestyon ni Ogie Diaz na tumakbo bilang senador

- Saksi umano si Ogie diaz sa kabi-kabilang mga testimonya ng kaibigan ni Angel Locsin kung paano sila tinulungan ng aktres

- Gayundin ang tahimik na pagtulong nito sa mga kababayan natin nagigipit at nangangailangan

- Kaya naman inalok ni Ogie Diaz na tumakbong senador si Angel dahil sa mga nagagawa nito sa lipunan

- Subalit giit ng aktres na 'hindi siya' kundi maglalagak daw sila ng taong nararapat sa senado

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging si Ogie Diaz ay humanga sa kabutihan ng puso ng aktres at pilantropo na si Angel Locsin.

Matatandaang sa panayam niya kay Janus del Prado gayundin kay Lester Llansang, naikwento ng mga ito kung paano sila natulungan ng aktres na walang hinihinging anumang kapalit.

Angel Locsin, sinagot ang suhestyon ni Ogie Diaz na tumakbo bilang senador
Photo: Angel Locsin
Source: Facebook

Bukod pa rito, hindi na rin mabilang kung makailang beses na namamataan na lamang si Angel na namamahagi ng tulong sa mga kababayan nating nagigipit at nangangailangan.

Read also

Ate Gay, masyado lang umano na-provoke kaya niya nabanggit ang presyo ng tulong ni Vice Ganda

Dahil sa patuloy na dumarami na nagagawa ni Angel sa lipunan, nagbigay suhestyon si Ogie Diaz na tumakbo ang aktres sa senado.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Eto ang sagot ni Angel, 'maglalagay tayo ng senador na karapat-dapat, hindi ako'"
"So magiging active daw siya sa eleksyon bilang siguro nangangampanya siya"
"Bilang magpu-push siya sa kandidatong pinaniniwalaan niya."

Mapapanood ang ng video sa Ogie Diaz Showbiz Updates:

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Agosto 7 nang isapubliko niya ang pagpapakasal sa film producer na si Neil Arce. Kilala rin si Angel sa pagiging isang philanthropist dahil na rin sa kabi-kabila niyang pagtulong sa mga kababayan nating sinusubok ng kagipitan sa buhay.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel